HINDI na nakapagpigil ang aktor na si Aljur Abrenica at sa unang pagkakataon ay nagsalita na ito ukol sa totoong dahilan ng hiwalayan ng asawang si Kylie Padilla.
Nitong mga nagdaang mga buwan ay nanatiling tahimik ang aktor sa kabila ng mga akusasyon sa kanya ng madlang pipol matapos kumpirmahin ng ama ng aktres na si Robin Padilla na naghiwalay na sila.
Ngunit ngayon ay tila napuno na ang aktor at naglabas ng saloobin sa kaniyang official Facebook account.
Si Aljur kasi ang itinurong may babae kaya iniwan siya ni Kylie kasama ang mga anak na sila Axl Romeo at Alas base sa mga post ng aktres sa kanyang social media accounts.
Pinalabas rin ni Kylie na ideal wife siya na naghihintay kay Aljur galing sa work.
Ilang beses naming sinulat dito sa BANDERA sa pamamagitan ng blind item na ang aktres ang unang nangaliwa o nagkaroon ng iba kaya naghiwalay sila ng karelasyon niya. Ang aktor ang sinisisi ng mga tao pero nanatiling dedma lang ang aktres.
“Breaking silence.. Kylie please tell them the truth,” umpisa ni Aljur.
“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know,” pagpapatuloy ni Aljur.
Aniya, wala siyang galit sa mga netizens sa lahat ng mga akusasyon at pag-atake ng mga ito sa kaniya dahil alam niyang nasasabi lang ng mga ito ang mga paratang kay Aljur dahil sinusuportahan ng netizens ang kanilang pamilya at isa pa, hindi naman alam ng mga ito alam kung ano ang katotohanan.
“I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me. I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family. So they also deserve to know the truth,” sey pa ni Aljur.
Humingi rin ng paumanhin si Aljur dahil hindi niya nasunod ang kanilang agreement na hindi ito magsasalita sa publiko. Ngunit tila hindi na kaya ng aktor ang mga nangyayari at hinamon na nito si Kylie na aminin kung sino ang unang nagloko sa kanilang pamilya.
“When your dad (Robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading you’re statements it breaks my heart that you can sit still despite of the truth.
“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children.
“After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me? At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?” mainit na dagdag ni Aljur.
Base sa source namin ay kailangan ng magsalita ni Aljur dahil nadadamay na ang pamilya ng babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon, si AJ Raval.
Kamakailan ay nakipagsagutan na ang ina ng aktres sa netizens dahil inaakusahan ang anak na third party kina Aljur at Kylie.
Bukod dito ay sinabihan din ang aktor ng ama ni AJ na si Jeric Raval na ayusin ang lahat dahil nga alam naman ng lahat na may asawa siya at anak ito ni Robin na kaibigan nito.
Kaya ito ang nag-udyok kay Aljur para basagin na ang kanyang pananahimik.
Matatandaang Hulyo nitong taon nang kumpirmahin ni Robin Padilla na hiwalay na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ayon sa kanya, third party umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay pero hindi nito tinukoy kung sino ito.
Bukas ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ni Kylie hinggil sa isyu.
Karagdagang ulat:
Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa
Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook