Wilma ginamit ang sarili sa negosyo: Nangangalampag ako!

Wilma Doesnt ginamit ang sarili para maka-survive sa pandemya; masaya dahil reliable ang pamilya

“HANGGA’T bata dapat turuang magbanat ng buto para alam nila ‘yung value ng hard-earned money,” ito ang sabi ng komedyanang aktres, TV host at modelong si Wilma Doesnt sa pahayag niya sa vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz.

Pinasyalan ni Ogie si Wilma sa kanyang Chicks ni Otit Restaurant sa may General Trias, Cavite. Marami ang kumakain at natikman nito ang mga pagkain na talagang sinabi niyang, “masarap, in fairness masarap ang relleno (sabay thumbs up). Bongga, di pa sumasablay sa akin, ha?”

Puna pa ng vlogger, “natutuwa ako dahil bago kami mag-shoot (vlog) ay nakita naming maraming tao, aligaga ang lahat ng staff mo at natutuwa ako dahil ang mga staff mo ay mga anak mo! Hindi ba sila nagtanong sa ‘yo kung ‘bakit mo sa amin pinagagawa ito (pagsisilbi sa customers) mommy?” tanong ni Ogie kay Wilma.

“Sabi ko sa kanila, ‘pag hindi ninyo ako tinulungan hindi ko kayo pakakainin. Pag walang tulong, walang kain. Kaya tulong sila kasi magugutom sila, ‘yun ang rule,” nakangiting kuwento ni Wilma.

“’Yun din ang ano mo (training) para in the future kahit iwan mo sila kaya nilang magbanat ng buto?” tanong ni Ogie sa aktres.

“Ipinaliwanag ko rin naman sa kanila ‘yun na hindi dahil pinapatulong ko kayo sa hanapbuhay, e, inaalipin ko kayo.

“Tinuruan ko kayo kung paano mabuhay para just in case may mangyari sa akin o sa aming dalawa ng tito (partner) n’yo, mabubuhay kayo. You know what to do!

“Kasi hindi mo masabi, eh. Minsan mag-asawa sabay dalawa namatay, na-covid. Paano kung mangyari sa amin huwag naman (sabay katok sa mesa) pero sure ako hindi pa ready si Satanas at si San Pedro dahil aagawan ko sila ng posisyon (sabay tawa), kilala mo ako, ha, haha kaya hindi kami nadadale n’yan (covid – sabay cross ng fingers),” paliwanag ni Wilma kay Ogie.

Say ng talent manager, “so kapit lang?”

“Yes, kapit lang,” sagot kaagad komedyana.

Balik-tanong ni Ogie, “so paano ang pag-aaral nila pag nandito sila (restaurant)?

“Usually tutulong sila. Sa part ni Asiana siya ang taga-balanse ko, so usually gabi siya napunta. ‘Yung dinner time ‘yun ang pinakamaraming tao, so, siya ‘yung taga-balanse ng kahera ko kasi mas matalino siya kaysa sa akin.”

Singit ni Ogie, “so inamin mong mas matalino siya kaysa sa ‘yo?”

“Oo ganu’n yata ‘yung younger generation ha, hahaha. Matatalino sila, mga walanghiya sila, ha, ha,” tumatawang sabi ng proud mom ng tatlong bagets.

“So, si Orion naman ang task niya pag maraming tao extra hand namin siya. Siya ‘yung tagalagay ng baso, tubig at yelo sa customer na uupo.

“’Yung isa ko namang anak na na nasa online ngayon, siya naman ang taga-buzz na ibig sabihin siya ‘yung tagalinis (mga lamesa). Liligpitin niya ‘yun. Hindi sila nahihiyang gawin ‘yun kahit maraming tao.

‘Yung isang panganay kong lalaki na nasa Amerika na ngayon, siya naman ang tagabayad ko ng errands and siya ang taga-deliver kasi may motor siya.

“Tulung-tulong kami, ‘yun ang ginawa namin nu’ng pandemic. Doon ko nakita na kapag talaga ‘yung pamilya mo reliable kahit anong mangyari masu-survive n’yo kasi may puwersa talaga kayo, we survived it,” detalyadong kuwento ni Wilma na matagal ng walang trabaho dahil sa pandemya.

Tanong ni Ogie, “san nanggagaling si Wilma sa ganitong prinsipyo niya sa buhay?”

“Pinanganak akong mahirap, Teh!” mabilis nitong sabi. “Alam naman natin ‘yan, so pag ipinanganak ka during the 70s, 80s, 90s, mahirap naman talaga ‘yung buhay.

“And sinabi ko sa sarili ko na pag pinanganak akong mahirap, hindi ko kasalanan ‘yun! Pero kung namatay akong mahirap, ang may problema ako, ayoko no’n.

“Ayokong iburol sa mga basketball court tapos hindi ka ililibing kasi walang pampalibing, ayaw ko ng ganu’n. Kaya masipag ako, masikap at mahawak ng pera (minuwestrang sarado ang mga kamay) importante ‘yun.”

Tanong pa ni Ogie,“So, during pandemic mga naranasan ng mga artista sumadsad sila, si Wilma ba during pandemic ay hindi ka naman sumadsad?

Ang ganda ng ngiti ni Wilma, “ay during pandemic, napakaganda ko! Thank God dahil mayroon akong kapartner na me skill.

“Skilled kasi si Bebe Love (tawag sa fiance), so, siya ‘yung tagaluto. Meron mukha ‘yung business namin which is ako. Ako na ‘yung taga-chika.

“Ginagamit ko talaga ‘yung sarili ko kasi doon ko na-realize during the pandemic na ‘yun palang negosyo namin bilang artista o kahit ano man ‘yan hindi permanent.

“Lilipas at lilipas din. So, kung marunong kang gumamit ng mga past endeavor mo in life, maga-guide ka niya ng tama.

“Kagaya nu’ng ginamit ko ang pagiging artista ko, even I myself deliver para makilala ‘yung restaurant namin.

“Yes nagde-deliver ako, ‘yung Chinang-China ang tunog na malayo palang, ‘san dito nakatira si ano, hello po (sabay pakita ng video na nagde-deliver nga siya sa bahay-bahay).

“Nangangalampag ako! Siyempre mga kapitbahay na nagpa-deliver tatanungin, ‘san yan?’ (SAbi ko) ‘ay sa Chicks ni Otit po ito, me restaurant ako doon, ganyan’ ng naka-mike sa mga subdivision (sabay tawa nila ni Ogie). Loka-loka ako, so, hindi ako mahihiya kasi marangal naman ‘yung hanapbuhay namin. Pamilya ko ‘to, tsaka tiyan na namin ang nakasalalay, maga-arte ka pa?”paliwanag nito.

May mga suweldo baa ng mga anak ni Wilma.

“Meron silang allowance, siyempre baka di ba, child labor, ha, haha. Meron silang allowance, so during the pandemic nawalan ako ng trabaho, nag-stay ako sa bahay siyempre ‘yung savings mo magde-deplete ‘yun, eh.

“’Yung first two weeks’ o three weeks ng pandemic masaya dahil bakasyon ka lahat. Pero nu’ng tumatagal na nakikita mo ‘yung budget mo nade-deplete.

“So, ang ginawa ko in-encourage kong pamilya, nag meeting kaming let’s go, let’s work hand in hand bibigyan ko kayo ng allowance.

“So, may suweldo sila everytime na magdu-duty sila rito. Kahit si Orion may suweldo siya pinaghihirapan nila ‘yun. Kaya alam ko pag may bibilhin kasi duty ng duty. Ah, may bibilhin ‘to,”kuwento ni Wilma kung ano ang deal niya sa mga anak.

Say naman ni Ogie, “at least ganu’n ang takbo ng utak niya ‘no? kailangan kong magtrabaho kasi gusto kong makaipon.”

“Yes! Even before kasi di ba single parent ako? So, ‘yun na talaga ang training ko sa mga anak ko. ‘If you want something you save up for it. Tapos kung sa tingin kong kaya ko ring magdagdag, bibilhin natin pero kung hindi ko kaya, mag-ipon ka para diyan.”masayang sabi ni Wilma.

Ang isa sa mga anak ng komedyana ay gustong maging abogado, “si Asiana ‘yun.

“’Yung mga hindi natuturo ng school during the pandemic natutulungan ko sila like socialization, personal na naming itinuturo ‘yung mga ganu’n.

“Makipag kapwa tao which is very important paano mo i-entertain ang mga tao.

“Importante ‘yun sa mga bata. Kasi mga bata ngayon computer (minuwestra naglalaro), pag kinausap mo (hindi ka papansinin).

“Ay, hindi ka sanay makipag usap sa tao? Sanay ka lang sa computer? Kaya kung mapapansin mo ‘yung restaurant namin, mahina ang signal, meron akong jammer na pinalagay to make sure na lahat ng kakaing pamilya dito, they will not use their phones because that is the restaurant rules.

“Yes, you are not allowed to use your phone puwede ka mag-picture, o doon mo na i-post ‘yan pagtapos na kayong kumain. Naninita ako, yes pakialamera ako, di ba?” tumatawang sabi ni Wilma na ikinatawa rin ni Ogie.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ogie.

“Pumunta kayo dito as family uupo kayo lahat dito, ‘yung bata nandito, ‘yung nanay dito, ‘yung tatay doon. Anong purpose bakit kayo lumabas?

“Uupo ako (sa kanila) sali n’yo naman ako sa group chat n’yo meron ba? Tapos ipapaliwanag ko sa kanila. The reason why you are here to enjoy your company as family and to enjoy your food. Nanay (at) tatay kayo ang maging example, hindi po puwedeng mag telepono sa harap ng kainan ko.

“Naloloka sila! And they come back. And when they come back hindi na sila nagpo-phone, alam na nila. They always come back kasi alam nila na may restaurant na may ganu’n rules,” masayang kuwento ng restaurateur.

“Wow!” tanging nasabi ni Ogie.

Marami pang magagandang kuwentong naibahagi ni Wilma sa viewers sa Ogie Diaz YT na kapupulutan talaga ng aral ng lahat, pramis!

Karagdagang ulat:
Wilma Doesnt engaged na sa non-showbiz dyowa: Best birthday gift ever! Yahoooo!

Wilma Doesnt mas lalo pang na-in love sa kanyang fiancé: Mahal na mahal niya ang mga anak ko!

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Read more...