Super Tekla napagbintangang magnanakaw: Napahiya ako!

Super Tekla napagbintangang magnanakaw: Napahiya ako!

IKINUWENTO ng komedyanteng si Super Tekla ang nangyari sa kanya matapos itong bumili sa isang convenience store.

“Mistaken identity… I [was buying] something, hinarang ako ng [sales]lady after ko mabayaran ‘yung binili ko,” kuwento ni Super Tekla.

“May kinuha daw [akong] item. Sabi ko, ‘Are you sure, Ate?’ Naphiya ako. Ang daming tao sabi niya kapkapan daw ako then sabi [ko] ‘Go ahead’.

“Walang nakita sa akin, pinacheck ko ang resibo ko, kumpleto bayad at ‘yung binili ko,” pagpapatuloy ni Super Tekla.

Matapos raw nito ay ibinaba ni Tekla ang kanyang mask at doon siya na-recognize ng saleslady. Dito na nagsimulang mag-sorry at umiyak ang saleslady dahil sa maling nagawa niya.

“Ate kinapkapan mo at pinagbintangan mo ako tapos ngayon iiyak ka at nagso-sorry dahil nagkamali ka, ganun lang kadali ‘yun?” saad ni Super Tekla sa babae.

Masuwerte ang saleslady dahil mabait at maunawain ang komedyante. Pinalagpas na lamang ito ni Super Tekla dahil ayaw rin naman nitong mawalan ng trabaho ang babae.

“Lesson, wag manghusga sa panlabas na anyo. Siguraduhin mong tama ang ginagawa mo. Imbis na magalit ako, awa [ang] nanaig sa puso ko. Di biro ang pagbintangang magbanakaw pero sabi ko kung susundin ko ang galit ko, tanggal siya sa work,” sey pa ni Super Tekla.

Abot langit naman daw ang naging pasasalamat ng saleslady kay Tekla nang patawarin niya ito at palagpasin na lamang ang nangyari.

“Iniisip ko rin maraming umaasa sa kanya. Mas mainam ang magpatawad at unawa minsan sa sitwasyon,” saad niya pang muli.

Si Super Tekla o si Romeo Librada sa tunay na buhay ay isa sa mga Kapuso comedians.

Matatandaang minsan rin itong mag-viral nang isumbong ito ng dating partner sa programa ni Raffy Tulfo ngunit kalaunan ay nagkaayos na rin ang dalawa alang-alang sa kanilang anak na si baby Angge.

Dito rin nagsimulang gumanda ang karera ni Super Tekla kung saan pinasok na rin niya ang mundo ng pagba-vlog kasama si Donita Nose at tinawag ang kanilang channel na “Donekla in Tandem”.

Karagdagang ulat:
Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay
Tekla, Marco, Donnalyn nagkapikunan dahil sa ‘P1M pool challenge’, may nandaya nga ba?
Matapos masangkot sa iskandalo…Tekla at Michelle nagkabalikan na?

Read more...