Arjo Atayde aminadong si Maine Mendoza na ang ‘the one’

Sweet na sweet na magkasama sina Arjo Atayde na naka-tuxedo at may red na bow tie kasama ang girlfriend nitong si Maine Mendoza na naka-red gown at may pulang rosas sa bandang kanang tenga.

DIRETSAHANG sinagot ng aktor na si Arjo Atayde ang tanong ni Julius Babao kung napag-uusapan na ba ang aktor at ang kaniyang girlfriend na si Maine Mendoza na mag-settle down at magpakasal.

“Ang sa ‘kin naman po, obviously, I’m not wasting time… Sobrang mahal ko po ‘yung tao… very sincere ‘yung tao.

“And if that’s the question, my answer to that id yes, ofcourse, nagpag-uusapan yan,” saad ng aktor.

“I’m at the right age, were not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. So ito na po ‘yun,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay 30 years old na si Arjo at 26 naman si Maine.

Inamin rin ng aktor na nahanap na niya ang kaniyang “the one” sa katauhan ni Maine.

“To me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. And that’s also very hard to find, ‘yung sincerity ng tao. Grabe magmahal. Grabe talaga. ‘Di ko ma-explain.

“I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding… I think I found a best friend, partner, nakakausap ko [with] no hindrance being myself,” pagbabahagi pa niya.

Sa tingin rin niya ay si Maine na talaga ang kaniyang soulmate.

Nang tanungin naman siya kung hahayaan ba niyang nasa bahay lang si Maine kapg nag-asawa na sila ay ibinibigay na raw niya kay Maine ang choice kung ano ang nais nito.

Suportado rin siya ng girlfriend sa kaniyang desisyon na pasukin ang politika ngunit ayaw raw niyang i-involve ito dahil alam niyang magulo ang politika.

Amin pa niya, hindi pa raw nagkikita personally ang mga magulang nila ni Maine.

Kinantyawan tuloy siya ni Julius na malapit na raw itong mangyari lalo na’t napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

Wala pa naman daw silang partikular na petsang napag-uusapan pero nalalapit na rin ang kanilang third anniversary. May pasabog kaya ang dalawa sa kanilang mga pamilya pati na rin sa mga ArMaine supporters?

Karagdagang ulat:
Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…
Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!

Read more...