IBINANDERA ng aktor na si Carlo Aquino nito iconic track suit ng hit Netflix series na “Squid Game” sa kanyang recent Instagram post.
Bukod sa track suit nakatanggap rin ang aktor ng “invitation card” at pouch na hawig sa pinaglagyan ng marbles sa naturang series.
“Better late than never! Thanks Netflix Philippines for the surprise,” saad ng aktor.
Bumuhos naman ang comment sa kaniyang post at ang ilan nga ay umaasang makikita siya sa next season ng “Squid Game”.
“Season 2,” comment ni Gretchen Ho.
“Gusto ko yan!!!!!” saad naman ni Jolina Magdangal
“Looking forward season 2!’ sey naman ni Nina Corpuz.
“Next season bro! Abangan kita hehe,’ hirit pa ni Japoy Lizardo.
Marami na rin ang kumakalat na chika na magkakaroon ng season 2 ang nasabing series ngunit wala pa namang kumpirmasyon ang Netflix ukol rito.
Kamakailan lang rin nang mapabalitang idineklara na “Squid Game” bilang Netflix’s no. 1 show sa buong mundo.
Ito na kaya ang sign na hinihintay ng madlang pipol para sa season 2? Magkakaroon na nga kaya ulit ng chance si Carlo na bumida sa nasabing hit series?
Matatandaan na noong Setyembre 24 ay ibinunyag ng aktor na magiging parte sana siya ng cast ng South Korean series ngunit hindi natuloy dahil sa COVID-19 travel restrictions.
Karagdagang ulat:
Slater trending dahil sa Korean series na ‘Squid Game’; Carlo nanghinayang sa naudlot na role
Carlo ibinuking ang dahilan kung bakit hindi naka-join sa ‘Squid Game’; inalok sa role na ‘Ali’