Angeli Khang bibida sa ‘Mahjong Nights’; suportado ng ina sa pagpapa-sexy

Angeli Khang bibida sa 'Mahjong Nights'; suportado ng ina sa pagpapa-sexy

IKATLO na si Angeli Khang sa binigyan ng launching movie ng Viva Films at isa rin siya sa miyembro ng VMX Crush na kinabibilangan din nina Jela Cuenca at AJ Raval.

Unang napanood si Angeli sa launching movie ni AJ na “Taya” at kaagad na siyang napansin dahil sa daring scenes.

Ayon sa dalaga ay labis siyang nagpapasalamat sa Viva dahil may lead role na siya sa “Mahjong Nights” na idinirek ni Law Fajardo na mapapanood sa Vivamax sa Nobyembre 12.

“Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako ang sobrang nakaka-flatter po na makasama si sir Jay (Manalo) and si Sean (de Guzman) sa movie,” malumanay na sabi ni Angeli.

Nakakatuwang kausap si Angeli dahil cool na cool lang siya at hindi nga yata gumagalaw sa puwesto niya habang isinasagawa ang virtual mediacon para sa kaniyang movie.

Kasama ng baguhang star ng Viva Films sina Jay Manalo at Sean de Guzman at napuri niya ang dalawa.

“Off-cam, sobrang bait po talaga ni Sir Jay and tinuturuan niya po ako sa mga ad-libs at kung anong ia-act at kapag hindi po ako marunong i-act ang ibang scenes, siya po ‘yung gumagabay sa akin,” kuwento ng dalaga.

So, nagsilbing acting coach ni Angeli ang premyadong aktor. Si Sean naman ay inilarawang mabait at friendly ng dalaga.

“S Sean naman po, sobrang friendly po and lagi kaming magkasama and lagi kaming magkakuwentuhan sa set,” sambit nito.

At dahil launching movie ni Angeli ay talagang ibinigay niya ang dapat kaya natuwa naman ang direktor nila dahil naabot ang expectation niya.

Kumusta ang pamilya ni Angeli, tanggap ba na naghubad-hubad siya sa “Mahjong Nights”?

“’Yung mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ‘yung mom ko po, kasama ko dito sa Philippines. Sabi niya po sa akin as long as wala raw po akong natatapakan na tao at gusto ko ‘yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo,” saad ng bagong mamahalin ng manonood ng Vivamax.

Natanong din si Angeli kung may pressure na matapatapan o higitan sina AJ, Cincy Moreno at Sunshine Guimary.

“Ako at si Aj, we’re really good friends. Talagang magkaka-vibes kami from Taya pa lang and I think, we shouldn’t compare different individuals,” katwiran nito.

Bukod sa mga dumalo sa virtual mediacon ay kasama rin sa pelikula sina Mickey Ferriols, Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales.

Karagdagang ulat:
AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’
AJ Raval hiwalay na sa dyowa; open makipagrelasyon sa katrabaho

Read more...