AJ Raval hiwalay na sa dyowa; open makipagrelasyon sa katrabaho | Bandera

AJ Raval hiwalay na sa dyowa; open makipagrelasyon sa katrabaho

Therese Arceo |August 21,2021
facebook
share this

AJ Raval hiwalay na sa dyowa; open makipagrelasyon sa katrabaho

Therese Arceo - August 21, 2021 - 05:10 PM


HIWALAY na ang sexy actress na si AJ Raval sa dyowa nitong si Axel Torres.

Inamin ito ng dalaga sa virtual press conference nito parasa kanyang bagong pelikulang “TAYA”.

“Marami kaming naging priblema sa career namin kaya nag-end po nang maaga ‘yung relationship namin,” pagbabahagi ng dalaga.

Ayon pa sa aktres, ayaw ni Axel ang mga sexy roles na ginagampanan nito kaya sila naghiwalay.

Isa rin daw sa naging rason ng kanilang paghihiwalay ay ang co-star nito na si Sean de Guzman.

“Hindi na po ako magsisinungaling pero kasama na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw rin po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpa-sexy which is naiintindihan ko naman,” dagdag niya.

Mas nanaisin rin ng aktres na piliin ang career nito kaysa atupagin ang love life. Right choice naman dahil patok na patok at talagang umaariba ang showbiz career ng dalaga.

“Pero kung susugal man ako sa pag-ibig, talo naman po ako sa karera. Kung susugal naman ako sa karera, panalo pa rin ako. Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista.

“Napakaconservative ko pong babae hanggang sa nag-artista na po ako, parang doon po ako nag-start magpa-sexy. So naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya matanggap na ganito ang career ko,” saad ng aktres.

Amin pa nito, bukas daw siya sa posibilidad na ma-inlove sa co-star niyang si Sean De Guzman.

Kuwento pa nito, minessage niya ang aktor nang mag-break sila ni Axel.

“Biniro ko po siya. Sabi ko, ‘Sean, break na kami. Puwede mo na akong ligawan’,” chika ng dalaga.

“Si Sean, kaibigan ko po ‘yan. Kilala ko siya. Alam ko ang personality niya. Napakabait na tao, maalaga. Pero kung magiging partners kami, bakit hindi?” sey pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Taya” sa direksyon ni Roman Perez Jr. at isinulat ni John Carlo Pacala sa Vivamax simula August 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending