Paulina Sotto binatikos ng netizens, totoo bang hindi botante sa Pinas dahil US citizen na?

Paulina Sotto at Vic Sotto

KUNG may mga pumuri sa tapang at paninindigan ng anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto, marami rin ang bumatikos sa kanya at inakusahan pa ng kawalan ng suporta sa sariling pamilya.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang hayagang pagsuporta ni Paulina sa kandidatura ng isang presidentiable sa darating na May, 2022 national elections.

Nag-post kasi si Paulina sa social media na ibang kandidato ang kanyang susuportahan para sa pagkapresidente at hindi ang kapartido ng kanyang tiyuhin na si Sen. Tito Sotto. 

Ayon sa ilang netizens ang ginawa ng anak ni Bossing at pamangkin ni Tito Sen ay isang patunay na nasusubok talaga ang kulay ng isang tao kapag dumaraan sa mga pagsubok — at sa kampanya. 

May nagkomento pa nga na hindi lang pagdating sa panahon ng eleksyon nagkakalabasan ng campaign colors kundi pati na rin ang tunay na ugali ng isang tao kapag nalalapit ang halalan.

Tulad nga ng nangyari kay Paulina na pati personal na buhay ay nadamay na rin dahil sa pagsuporta sa kampo ng mga makakalaban nina Tito Sen. 

https://bandera.inquirer.net/295197/anak-ni-bossing-lantaran-ang-suporta-kay-vp-leni-inokray-ng-bashers-anong-klase-kang-anak

Sabi ng isang netizen ang lakas daw ng loob na magpahayag ng kanyang suporta sa isang kandidato gayung hindi naman umano pala siya makakaboto dahil isa siyang US Citizen. Kasalukuyang naninirahan sa Amerika si Paulina.

Komento ng isang netizen na si John Castro, “Kung tutuusin, wala namang masama sa pagpili ng inyong papanigan pagdating sa pulitika. ‘ika nga, kaparatan mo ito. 

“Pero kung mamarapatin niyo lang ang aming humble opinion, hindi ba’t nalilimutan ng ibang tao ang tinatawag na delikadeza? Sensitibo ang usapin kapag nahahalo na ang pamilya. 

“Tanggapin niyo man o hindi, nasa Pilipinas tayo. Filipino tayo. Wala tayong magagawa dahil naka-ukit na sa kalinangan natin ang pagpapahalaga sa pamilya,” pahayag pa ng netizen.

Kaya ang tanong ng madlang pipol, kung tinalikuran mo na ang pagiging Filipino, may karapatan pa kaya siyang magsalita at magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa politika?

Bukas ang BANDERA sa panig ni Paulina tungkol sa tunay na estado ng kanyang pagiging Filipino.

Read more...