Huling birthday video ni Direk Bobet sa 'It's Showtime' binalikan ng netizens Bandera

Huling birthday video ni Direk Bobet sa ‘It’s Showtime’ binalikan ng netizens

Therese Arceo |October 13,2021
share this

Huling birthday video ni Direk Bobet sa ‘It’s Showtime’ binalikan ng netizens

Therese Arceo October 13, 2021 - 08:08 PM

MULING binalikan ng madlang pipol ang nagdaang birthday celebration ni Direk Bobet noong nasa “It’s Showtime” pa ito na naganap bago ang nangyaring COVID-19 pandemic.

Sa video ay binati ng mga hosts, staff, crew, at buong madlang pipol ng maligayang kaarawan.

Makikita rin na emosyonal ang mga hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Amy Perez, Kuya Kim Atienza, Jhong Hilario, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ryan Bang.

Si Vice naman ay madalas ang pangbabara sa mga kasama para mapanatili ang light at funny atmosphere habang nagbibigay ng mensahe ang mga kasama.

“You’ll always and forever be the father and daddy of Showtime. We’re very blessed to have you, Direk kasi kung hindi dahil sayo, hindi mabubuo ang konsepto ng Showtime na nagpapasaya ng milyun-milyong Pilipino hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” message ni Anne Curtis.

Nagpasalamat naman si Vhong sa pagtitiwala ng direktor sa kanila at sa pagpili sa kanilang mga hosts na maging parte ng programa.

“Alam mo, mahal kita. Marami akong na-witness sa buhay mo and I’ll always be here, quietly supporting him sa lahat ng bagay na ‘yon, sa lahat ng panahon. I’ve seen you grow, I’ve seen you mature and I’m very very proud of you.I have been silently supporting you. Dito lang ako Direk, alam mo yan,” naiiyak na sey ni Tiyang Amy.

Nakakatouch rin ang mga naging mensahe ng iba pang mga hosts hanggang sa maging turn na ni Vice na magbigay mensahe sa direktor.

Sa una ay ginagaya pa ni Vice si Kris Aquino ngunit kalaunan ay sumeryoso rin ito.

“Marami kang makakasalubong at makakasalamuha sa buhay mo araw-araw na magsasabi sa ‘yo na ‘Ay direk, ang gwapo mo pala sa personal’… gusto kong sabihin sa ‘yo na maliban sa binabanggit nilang papuri sa ‘yo, ang gusto ko lang sabihin sa ‘yo, alam kong mabuti kang tao.

“Hindi ka perpekto, nagkakamali ka rin, sumasablay ka. May mga desisyon kang nagagawa sa buhay mo na nabigla at hindi perpekto pero gayun pa man, alam ko mabuti kang tao at mahal na mahal kita,” bati ni Vice.

Marami tuloy sa mga netizens ang humihiling na sana ay magkaayos na ang dalawa lalo na’t base raw sa sinabi ni Vice ay kilala at mahal niya ang direktor kahit ano pa ang mga naging desisyon at pagkakamali nito sa buhay.

Maaaring naging masakit talaga ang paglisan nito ngunit umaasa ang ibang madlang pipol na hindi nila makalimutan ang kanilang pinagsamahan at naging rason bakit naging matagumpay ang kabilang programa kahit na ang ilan sa kanila ay nawala na.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending