Rita, Pinky disappointed kay Yorme; nagpasalamat dahil nagpakita agad ng tunay na kulay | Bandera

Rita, Pinky disappointed kay Yorme; nagpasalamat dahil nagpakita agad ng tunay na kulay

Reggee Bonoan - October 09, 2021 - 04:57 PM

HINDI pumabor sa karamihan ang sagot ni Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa pagkandidato ni VP Leni Robredo bilang pinakamataas na posisyon ng bansa.

Sinabi kasi ni VP Leni ang isa sa mga dahilan kaya siya tatakbo bilang presidente ng Pilipinas, una ay kung siya ang mapipili bilang standard bearer ng united opposition or kung kakandidato si Bongbong Marcos sa pagka-pangulo at nangyari nga.

Sa presscon naman ni Mayor Isko ay natanong siya tungkol dito na dahilan nga ni VP Leni at sinagot niya ito ng, “’Yan lang ba ang dahilan kung bakit siya tatakbo? Paano naman kaming mga Pilipino, wala kaming trabaho?”

Hirit pa, “Bakit kailangan uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino? Sa away ng anak ni Marcos, at mga anak at kasama ng yellowtards?”

Nitong Biyernes ng gabi ay viral na sa social media ang pahayag na ito ni Yorme Isko at katakut-takot na batikos ang inabot niya.

Isa na ang aktres na si Rita Avila na noon pa ay very vocal na ito sa paglabas ng kanyang opinyon pagdating sa gobyerno.

Sa kanyang IG account ay ni-repost nito ang lumabas sa inquirerdotnet kung saan lumabas ang artcard ni Isko.

Ang caption ni Rita, “Ang babaw yorme. Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman.

“Maganda nga ang sinabi tungkol sa yo ni VP Leni. At ikaw din maganda sinabi mo sa kanya nu’ng nakaraan. After a few days ganyan ka na? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi?

“At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko pag tinatawag ang mga DDS ng dutertards kasi di naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila. Tao pa din sila.

“Pasensya na ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay.”

#mayoriskomoreno #dds #VPLeni #DapatSiLeni TALAGA.

Dismayado naman ang theater actress na si Pinky Amador dahil kailan lang ay tandem pa sina VP Leni at Yorme Isko sa mabilisang pagbabakuna sa Manila.

“And to think na less than 1 month ago magkasama pa sila sa vaccine express ni VP Leni. What a turn-coat! Mabuti na rin na habang maaga pa magkaalaman na hindi ka deserving mag-presidente. What a disappointment.”

Samantala, pagkalipas ng dalawang oras ay may post ulit si Rita na mga sagot ng netizens na nagkomento sa post niya.

Ang caption ng aktres, “klaro naman mga Pilipino.
Mayor Isko Moreno, aga mo namang pinahamak ang sarili mo.
Pero salamat dahil nalaman agad namin ang pagkatao mo.”

At nabanggit ni Rita na kinuha pala siyang maging nanay ng aktor sa pelikula pero hindi niya tinanggap.

“Buti talaga na di ako ang lumabas na nanay mo sa pelikula mo. Mahal ko ang direktor pero di talaga maganda ang kutob ko sa yo.

“Pinagtanggol pa kita nu’ng siraan ka ng pangulo tungkol sa bold photos mo. Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo.

“Pasensha na ulit. Sa tama at tutoo lang ako.”

#truecolors #mayoriskomoreno

Sa kasalukuyan ay wala namang sagot si VP Leni sa parunggit sa kanya ni Yorme Isko at gayun din ang huli na wala ring reaksyon sa mga bumatikos sa kanya.

* * *

Nitong buwan ng Hunyo ay ibinalita ni Viva Chairman and CEO Vincent del Rosario lll na nasa 600,000 na ang subscriber’s ng Vivamax na sinimulan lang nila nitong January 2021.

Sa loob lamang ng 9 na buwan, ang VIvamax, na hawak ng VIVA ay umabot na sa 1 million subscribers, kaya naman ito na ang fastest-growing streaming platform sa Pilipinas.

Nagsimula ang streaming service ng VIvamax sa Pilipinas at di nagtagal ay umabot na ito sa Middle East at Europe na agad nasundan ng Hong Kong, Japan, Singapore at Malaysia.

At simula sa October, available na rin ang Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.

Sa December, mas lalawak pa ang maaabot ng Vivamax dahil magiging available na rin ito sa USA, Northern Marianas Island-Saipan, Guam, Hawaii at Canada. Kaya naman aabot na sa 71 global territories simula ng ito’y mag-live.

Sa mga bagong original movies na nagpe-premiere linggo-linggo kasama ang pinakamalaking library ng local at Korean movies, at dagdagan pa ng di mapapantayang lineup ng Hollywood blockbusters ay nagtagumpay ang streaming app ng Viva sa paghahatid ng cinema experience sa lahat ng tao sa kanilang mga smartphones at sa pamamagitan ng TV casting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kasalukuyang streaming ngayong 4th quarter sa Vivamax ay ang mga pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, Shoot! Shoot! Di ko Siya Titigilan, Ang Pamilyang hindi Lumuluha, Sarap mong Patayin, House Tour, Sa Haba ng Gabi, HRNA, A Digital Concert, Barumbadings, Mahjong Nights, More Than Blue, Beksinated, My Husband, My Lover, Pornstar 2, Dulo, Crush kong Curly, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo at Sang Gay, Eva, Exorsis at Mang Jose

Ang mga nabanggit na pelikula ay mapapanood hanggang Disyembre 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending