KC kay Sen. Kiko sa 2022: You deserve my vote and the vote of the people | Bandera

KC kay Sen. Kiko sa 2022: You deserve my vote and the vote of the people

Reggee Bonoan |October 09,2021
facebook
share this

KC kay Sen. Kiko sa 2022: You deserve my vote and the vote of the people

Reggee Bonoan - October 09, 2021 - 10:35 AM

KC CONCEPCION AT KIKO PANGILINAN

WALA sa bansa ang tatlo sa family members ni Senator Kiko Pangilinan na sina KC Concepcion, Frankie Pangilinan at asawang si Sharon Cuneta na lahat ay nasa Amerika.

Si Kakie ay nag-aaral sa New York City, samantalang si Sharon ay may mga inaayos sa Los Angeles na may kinalaman sa showbiz career niya at si KC naman ay ilang linggo ng naninirahan din sa LA.

Anyway, sa isang panayam ay nabanggit ni Sen. Kiko na nu’ng sinabing siya ang magiging running mate ni VP Leni Robledo na kakandidatong pangulo ng bansa ay kaagad niyang sinabihan ang asawa’t mga anak bukod sa Pangilinan family.

Inisa-isa ng ng senador ang mga pinadalhan niya ng mensahe kabilang si KC.

At sa kanyang Instagram account ay pinost ni KC at lumang larawan nila habang maliliit pa sina Frankie na nakakandong sa kanya at si Miel naman ay hawak ng daddy Kiko niya habang katabi si mama Sharon. Wala pa noon si Miguel. Isa pang larawan ay ng magtapos si Kiko at kasama siya na bata pa rin noon. Tinag ng dalaga ang ikalawang ama.

Ang caption ni KC, “Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…

“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength.

“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator.

“You deserve my vote and the vote of the people. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita. (emoji Philippine flag). @kiko.pangilinan.”

Habang sinsulat namin ang balitang ito ay kulang 100k ang nag-likes sa post na ito ni KC at kulang 3k naman ang mga komento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending