Lolo't lola super kilig din sa tambalang Beauty at Kelvin; fans humiling ng 'extension' sa GMA | Bandera

Lolo’t lola super kilig din sa tambalang Beauty at Kelvin; fans humiling ng ‘extension’ sa GMA

Ervin Santiago |October 07,2021
facebook
share this

Lolo’t lola super kilig din sa tambalang Beauty at Kelvin; fans humiling ng ‘extension’ sa GMA

Ervin Santiago - October 07, 2021 - 11:40 AM

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda

MARAMING nagre-request sa GMA 7 na sana’y huwag munang tapusin ang hit afternoon series na “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.”

Hiling ng mga fans ng lead stars ng serye na sina Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez, i-extend sana ng Kapuso Network ang programa dahil mabibitin sila nang bonggang-bongga!

At in fairness ha, hindi lang mga kabataan ang nahuhumaling sa kuwento nina Miss Bridgette (Beauty) at Marcus (Kelvin) na kahit medyo malayo nga ang agwat ng edad at ng magkaibang estado sa buhay, ay nagkainlaban pa rin.

Imagine, pati ang mga titas at titos and lolo and lola ay talagang nakatutok sa mga susunod na eksena sa “Loving Miss Bridgette”. Meaning, lahat ng henerasyon ay super love na love si Miss Bridgette.

At yan ang dahilan kung bakit ngayon pa lang ay inaatake na agad ng “sepanx” o separation anxiety ang Kapuso viewers kahit wala pang announcement kung kailan magtatapos ang serye.

Sabi nga ng kapitbahay naming lola na talagang araw-araw nakatutok sa nasabing Kapuso romcom series, “Nawawala ang lungkot at mga problema ko kapag napapanood ko na sina Miss Bridgette at Marcus. Naaalala ko yung kabataan ko, ang sarap balikan ng nakaraan…nakakakilig sila!”

Ang bongga, di ba? Siguradong matutuwa ang buong production ng serye lalo na ang cast kapag nalaman nilang maraming napapasaya ang kanilang programa.

Bukod sa mataas na rating ng unang teleserye ni Beauty sa GMA bilang isang Kapuso, puring-puri rin ng manonood ang acting ng aktres pati na rin ni Kelvin dahil sa makatotohanan nilang pagganap sa kani-kanilang mga karakter.

Sinabi na ni Beauty sa isang panayam na super relate siya sa kuwento ng serye dahil, “In my real life, I’m in a May-December relationship. Actually, it’s not about the age for me. It’s more about the experience and the emotional maturity of the person.

“Ang dami namang bata diyan na matanda nang mag-isip like me, marami ding matanda dyan na bata din yung isip. It’s really about that, kung paano kayo nag-share ng experiences ninyo sa isa’t isa,” aniya pa.

Sey naman ni Kelvin, “I agree with her, makikita ninyo kasi talaga kung saan kayo magko-connect. For me, wala namang masamang magmahal, even magkaiba kayo ng edad. 

“Kung maramdaman mo naman ito naturally at hindi ka napipilitan, or nagkakaintindihan kayo ng totoo, why not?” diin pa ng binata na umaming gusto niya talagang magkadyowa ng mas mature sa kanya. 

Samantala, patuloy pa ring umiinit ang kuwento ng “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette” kaya asahan ang mas kapana-panabik at nakakakilig pang eksena sa susunod na mga episode.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa serye sina Adrian Alandy, Bing Loyzaga, Pamela Prinster, Lloyd Samartino, Polo Ravales, Tart Carlos at marami pang iba, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending