Pagtakbo ni Alfred sa 2022 palaisipan pa rin; naging emosyonal dahil sa kapatid
Alfred Vargas, PM Vargas at Yasmine Espiritu
HANGGANG ngayon ay wala pang ina-announce ang award-winning actor na si Alfred Vargas kung tatakbo ba uli siya sa darating na May, 2022 elections.
Last term na kasi ni Alfred bilang representative ng 5th district ng Quezon City kaya inaabangan na ng kanyang mga supporters ang susunod niyang plano bilang public servant.
Balitang may mga bagong acting projects sana ang actor-politician kabilang na ang teleserye kung saan makakasama sana niya si Sunshine Cruz, ngunit marespeto umano niya itong tinanggihan.
Hindi nga lang malinaw kung ano talaga ang kanyang mga rason hinggil dito. Ngunit kung magpo-focus na siya uli sa showbiz, siguradong matutuwa ang kanyang mga loyal supporters.
At sure na sure kami na 100 percent pa rin ang suporta ng kanyang pamilya lalo na ang misis niyang si Yasmine Espiritu, kung anuman ang magiging final decision niya.
Mas naging palaisipan pa ngayon ang plano ni Alfred sa kanyang political at showbiz career nang opisyal na niyang ihayag ang kandidatura ng kapatid niyang si PM Vargas na siya namang tatakbong kongresista sa 5th district ng QC.
“I am proud of PM. He is a natural when it comes to connecting with people and he has an instinct for feeling and understanding their needs. Mataas rin ang ’empathy quotient’ niya. Minana namin kay Mommy.
“His decision to run for a congressional seat made me emotional on so many fronts. Naalala ko si Mommy and how she would have been proud of her youngest son.
“Public service is one of her legacies which has inspired all her children not only to be of help to the less fortunate and disadvantaged but to effect positive change.
“Si PM ang isang matibay na sandalan ko sa tatlong termino ko bilang kongresista. He would support me in all my initiatives no matter how unpopular they may be.
“Kinausap niya ako bago siya nag-file ng COC. Sabi niya, ‘dapat pang ituloy ang lahat ng iyong ipinaglalaban, Kuya. I understand your cause and vision. And because of that, I will run. Your positive effect on the lives of our kadistritos has to continue. I will do it for your constituents. You and I owe them that.’ Then I knew, my brother and I are one.
“I am supporting his candidacy because I believe in what he stands for. I’ve known him all his life. We come from the same tree and the fruit never falls far from it. I am proud of PM but I am sure Mom and Dad are even prouder of him,” sabi pa ng aktor na huling napanood sa Kapuso primetime series na “Legal Wives” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.