Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa 'final walk' | Bandera

Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa ‘final walk’

Ervin Santiago |October 05,2021
facebook
share this

Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa ‘final walk’

Ervin Santiago - October 05, 2021 - 08:59 AM

Rabiya Mateo

MISMONG si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ang nagkumpirma na magiging certified Kapuso na rin siya very soon.

Ibinalita ng Pinay beauty queen na pagkatapos ng kanyang Miss Universe 2020 pageant journey ay sasabak na siya sa pag-aartista na isa sa mga matagal na niyang pangarap.

Ayon kay Rabiya, malapit na siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network at looking forward na siya sa mga ibibigay na project sa kanya ng management.

“Magso-showbiz na po ako. I’m gonna sign up with GMA, magiging isang Kapuso na po tayo and I’m excited to do acting and hosting na po in the future,” ang pahayag ni Rabiya sa panayam ng “Unang Hirit”.

Unang napanood si Rabiya sa Kapusp comedy program na “The Boobay and Tekla Show,” kung saan game na game niyang sinagot ang mga pasabog na question sa segment na “May Pa-presscon.”

Samantala, nagkuwento rin ang beauty queen tungkol sa aksidenteng pagkadulas at pagkaluhod niya sa kanyang “final walk” sa gjnanap na grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Chika ni Rabiya, “Ako aminado po talaga ako na lampa po talaga ako. So during that time, natapakan ko yung gown ko tapos dumire-diretso ako.”

Aniya pa, nasa harapan pa raw noon si Miss Universe Philippines 2014 at “Eat Bulaga” Dabarkads na si MJ Lastimosa kaya kitang-kita nito ang kanyang “beauty fall” moment.

“That time si MJ Lastimosa, she was sitting in front kung saan ako nadapa, and I heard her saying Oh, oh, oh!

“But it happens all the time talaga, that’s why for me, it’s not a big deal kasi nga minsan kahit naka-tsinelas ako talagang nadadapa ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami ring nagdyo-joke sa akin, sabi nila, baka talagang sinadya mo na magpakahulog ka para trending ka ulit kahit pa-exit ka na,” natatawa pa niyang kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending