Ben Tulfo binanatan si Vice Ganda; tinawag pang 'balimbing' at 'dilawan' | Bandera

Ben Tulfo binanatan si Vice Ganda; tinawag pang ‘balimbing’ at ‘dilawan’

Therese Arceo |October 01,2021
facebook
share this

Ben Tulfo binanatan si Vice Ganda; tinawag pang ‘balimbing’ at ‘dilawan’

Therese Arceo - October 01, 2021 - 12:14 PM

MUKHANG hindi nagustuhan ni Ben Tulfo ang naging statement ni Vice Ganda ukol sa mga taong panay ang pagpo-post ng Bible verses ngunit sumusuporta naman sa mga magnanakaw.

Hindi na nga nito napigilan ang mag-react at naglabas na ito ng saloobin habang on-air siya sa kaniyang programang “Pambansang Sumbungan”.

Umpisa pa lang ng kaniyang programa ay bumungad agad ang isyu nito sa sinabi ng komedyante sa show na “It’s Showtime”.

“Vice Ganda, kung nakikinig ka at kung sinuman ang mga alipores mo, chuwari-wariwap mo, sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to.

“Nabubuhay ho kami doon sa mga bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post nang hindi ho namin pinaniniwalaan,” pagbabahagi niya.

Bagamat walang direktang pinapatamaan ang Unkabogable star ay aminado ang host na na-offend siya dahil madalas mag-feature ng bible verses ang kaniyang show.

Inokray pa nito ang komedyante at sinabihang mukhang raw itong “yokabaps” at “pekendus”.

“‘Wag na ‘wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na ‘yung sinasabi mo, parang pati kami hagip dyan. Dapat nilinaw mo. Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga bible verses… Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito,” dagdag pa niya.

Giit pa ni Ben, naninindigan raw sila at handang makipagbasagan ng mukha.kahit kanino sa mga labis na nang-aabuso at nang-aapi pero kahit na ganoon ay malaking factor pa rin daw sa kanila ang Poong Maykapal kaya parte ng kanilang programa ang mga bible verses.

Talagang ayaw tantanan ng host ang komedyante at halata pa rin ang gigil nito. Marahil ay wala na raw masabi ito sa kaniyang palabas na diumano’y “walang katorya-torya” raw kaya pati ang show niya ay nadadamay.

Tinawag pa niyang “dilawan” ang komedyante at ‘balimbing” dahil noon raw ay sinusuportahan nito ang Pangulong Duterte ngunit dahil masama raw ang loob nito sa pagkakasara ng ABS-CBN ay kung sino-sino raw ang tinitira nito.

“Bahala ka sa iyong sinasabi. Isang bagay lang, kami medyo napapasaringan mo,” iritadong sabi nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay abala si Vice sa nalalapit nitong concert sa Pechanga Summit sa Southern California ngayong Oktubre.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Vice Ganda hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending