Pia Wurtzbach napahanga ni Kisses Delavin: She nailed that styling! | Bandera

Pia Wurtzbach napahanga ni Kisses Delavin: She nailed that styling!

Therese Arceo |October 01,2021
facebook
share this

Pia Wurtzbach napahanga ni Kisses Delavin: She nailed that styling!

Therese Arceo - October 01, 2021 - 11:18 AM

HANGA naman ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa naging performance ni Kisses Delavin sa nagdaang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 nitong Setyembre 30.

“Kisses blossomed into a woman right before our eyes. She nailed that styling! #MUPH2021Coronation,” saad ng beauty queen sa kaniyang Twitter account.

True naman talaga ang sinabi ni Pia dahil marami rin naman ang nakasubaybay kay Kisses mula nang pumasok ito sa pinakasikat na bahay sa bansa hanggang sa pagpasok sa showbiz at ngayon nga ay ang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021.

Noon pa man ay open na si Kisses na isa sa kaniyang mga pangarap ay ang maging beauty queen. Bata pa lang ay kinakitaan na ito ng potensyal. Nanalo rin ito bilang Miss Teen Masbate 2013 at Miss Masbate 2016.

Umpisa pa lang ng patimpalak ay kinagilawan na ng madlang pipol ang dalaga kaya hindi rin kataka-taka kung bakit hakot awards ang naging peg ng niya sa nagdaang beauty pageant.

Wagi ito bilang Miss Luxxe White Face of the Universe, Miss Universe Philippines Lazada, at Miss Red Fox Philippines 2021.

Havey rin ang naging sagot nito sa tanong nang makapasok siya sa Top 10.

“Well, it has affected me in a way that I am always true to my core. I remember that every moment, I am a miracle. God could’ve let me die but He put me here and I have a mission to fulfill so I’m gonna forget all my doubts and focus on Hos vision. I will cling on to that,” sagot ng dalaga kung paano nakaapekto sa kaniyang ang pagiging isang miracle baby sa pag-approach sa mga pageants tulad ng Miss Universe Philippines.

Bagamat natapos ang kaniyang Miss Universe Philippines 2021 journey bilang Top 10 ay isa na itong malaking achievement sa dalaga lalo na’t first time pa lang niyang sumali.

Paniguradong mas aapaw pa ang suporta at pagmamahal sa kanya lalo na’t ang ganda ng naging performance niya sa buong Miss Universe Philippines journey niya.

“Kisses, I know how bad you wanted this. Don’t give up on your dreams,” tweet naman ni KC Montero na siyang host sa nagdaang coronation night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wherever life leads you next, I am sure you will bring the same tenacity you’ve shown the entire universe,to your chosen platform, because you’re on your way to fulfilling your life’s mission and you can’t stop now. Go be the crown, @KissesDelavin,” sey ng isang netizen.

Hindi man nito naiuwi ang korona ay waging-wagi pa rin ang dalaga dahil sa suporta at tiwalang ibinigay sa kaniya ng madlang pipol. Kaya padayon, Kisses! Go lang nang go para sa pangarap na korona!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending