Bea Alonzo bibida sa Hollywood war film na ‘Angel Warrior’
BIBIDA ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa bagong Hollywood war film na “Angel Warrior” kung saan isa siya mga lead roles.
Hango ang pelikula sa nangyari noong World War II kung saan lumaban ang mga Pilipino laban sa pananakop ng mga hapon sa bansa.
Base sa Variety, gagampana niya ang role ng underground fighter na si Tala na tumutulong sa mga Filipino at American guerillas noong WWII.
Excited naman ang dalaga sa panibagong project at ibinahagi ito sa kaniyang Instagram account.
“Secret is out! Yes, I’ll be doing a World War II film soon. I’ll keep you posted about the future developments,” saad ng aktres.
Ang “Angel Warrior” ay ipo-produce ng Inspire Studios founder na si Francis Lara samantalang ang executive producers nito ay sina John Shepherd at Manny Pacquiao.
Magsisimula ang production ng pelikula sa kalagitnaan ng taong 2022 na ipapalabas rin sa parehas na taon.
Ipapalabas rin ito sa Los Angeles, California bilang parte ng Filipino-American History month bilang tribute sa mga Filipino migrante sa United States.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.