Ariella Arida ibinandera ang ‘Top 3’ bet sa Miss Universe PH 2021
Ariella Arida
NGAYONG Sept. 30 na kokoronahan ang papalit sa trono ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na siyang rarampa sa 70th Miss Universe pageant ngayong darating na December.
Kaya naman kanya-kanya nang “fearless forecast” ang mga pageant fans kung sino ang tatanghaling Miss Universe Philippines 2021.
Sa nakaraang virtual mediacon ng bagong pelikula ng Viva Films, ang suspense-thriller at comedy film na “Sarap Mong Patayin”, natanong ang isa sa mga bidang si Ariella Arida kung sinu-sino ang bet niyang kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.
Ayon kay 2013 Miss Universe third runner-up, ang Top 3 choice niya ay sina Maria Corazon Abalos ng Mandaluyong, Katrina Dimaranan ng Taguig, at Steffi Aberasturi ng Cebu.
Ani Ariella, “I love this girl from Mandaluyong, Maria Corazon Abalos. Sobrang Filipina-looking niya. I love her beauty kasi, eh, Pinay na Pinay.”
Si Maria Corazon ay anak ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos (na dati ring Binibining Pilipinas candidate).
Chika pa ni Ariella, “I also like Katrina Dimaranan. Well, my take lang kasi if tuloy ‘yung Miss Universe this December, hopefully they would send someone na ready na lumaban kasi parang it’s gonna be like two or three months preparation na lang.”
Sa mga hindi pa nakakaalam, beterana na si Katrina sa beauty pageant dahil sumali na siya noong 2012 sa Bb. Pilipinas. Noong 2018 naman naging first runner-up siya sa Miss Supranational, representing United States.
Gusto rin ni Ariela ang Cebuana na si Steffi Aberasturi na nag-number one sa Miss Universe Philippines 2021 runway challenge matapos mag-viral ang kanyang catwalk video.
“Naggu-glow kasi siya sa akin. I love her charisma, she’s always smiling and you can feel the confidence,” sabi pa ng beauty queen-turned actress.
Si Ariela ang isa sa mga judges sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October, 2020 kung saan nga nagwagi si Rabiya Mateo na siyang nag-represent sa Pilipinas sa 69th Miss Universe nitong nagdaang Mayo. Umabot ang dalaga sa Top 21.
Samantala, mapapanood na ang “Sarap Mong Patayin” simula sa Oct. 15 sa Vivamax na pinagbibidahan din nina Lassy Marquez at Kit Thompson sa direksyon ni Darryl Yap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.