Yeng Constantino nagluluksa: 'Paalam Mama...' | Bandera

Yeng Constantino nagluluksa: ‘Paalam Mama…’

Ervin Santiago - September 27, 2021 - 11:25 AM

Susan Constantino at Yeng Constantino

NAGLULUKSA ngayon ang award-winning singer-songwriter na si Yeng Constantino dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Susan Constantino.

Sa kanyang social media accounts, ipinost ng Kapamilya actress-singer ang ilang litrato nila ni Mommy Susan at isang solo photo ng pumanaw na ina.

Ang maikli niyang caption sa kanyang Instagram at official Facebook page na, “Paalam Mama.”

Walang karagdagang detalye na ibinigay si Yeng tungkol sa pagkamatay ng ina. Hindi rin niya binanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa pamilya ng Kapamilya star mula sa kanyang socmed followers kabilang na nga ang mga kaibigan niyang celebrities.

Mensahe ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, “Yakap at dasal para sa inyo, Yeng.”

“Maraming salamat po Tita sa lahat,” sabi ni Angeline Quinto.

Sabi naman ni KZ Tandingan,  “Praying for comfort for the whole family ate!”

“Ate Yeng, condolences. May God comfort you and your family,” post ni Sam Mangubat.

Mensahe ni Kyla Alvarez sa kaibigan, “Yenggay (broken heart emoji) sending you my deepest sympathies and condolences. Praying for comfort for you and family.”

“Condolence josephine, prayers,” ang pakikiramay ni Piolo Pascual.

Post ni Jaya, “Condolences my dear Yeng. God’s s peace be upon you
maxene Sending my most sincere condolences to you and your family.”

Sa isang interview kay Yeng, naibahagi niya kung paano nagsumikap at nagsakripisyo ang ina para sa kanilang pamilya. Aniya, “Kami ng pamilya ko hindi po kami talaga mayaman. Ang maganda sa magulang ko, ‘di nila ipinaparamdam na kapos kami.

“Mama ko,raketera ng taon talaga yan. As in naglalabada, nagtitinda ng isda, ng karne. Ang tatay ko ay librarian, ang mom ko gusto niya rin talagang matulungan ang papa ko. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ang mama ko nagtitinda ng meryenda, nagtitinda ng isda, kumukuha ng labada. So kapag pumapasok ako ng school, never ko na feel na may kulang sa akin kasi binibigyan ako ni mama ng sapat na baon, may pambili pa ako ng turumpo,” pahayag ni Yeng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending