Ariella nag-alinlangan kaya sa kissing scene nila ni Lassy sa 'Sarap Mong Patayin'? | Bandera

Ariella nag-alinlangan kaya sa kissing scene nila ni Lassy sa ‘Sarap Mong Patayin’?

Reggee Bonoan - September 25, 2021 - 06:25 PM

 

INAMIN ng komedyanteng bading na si Lassy Marquez na wala siyang ideyang magkakaroon sila ng kissing scene ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida. Kaya nagulat siya nu’ng banggitin ito sa kanila ng direktor nilang si Darryl Yap para sa pelikulang “Sarap Mong Patayin” na mapapanood simula sa Oktubre 15 sa Vivamax.

“Wala talaga akong ideya sa mangyayari kay Ara kasi ‘yung time na nagmi-meeting kami pareho kaming tinanong kung kaya naming gawin ito,” tawa nang tawang sabi ng isa sa miyembro ng Beks Batallion sa Zoom mediacon nitong Biyernes ng gabi.

Dagdag paliwanag ni direk Darryl, “ako na lang magsasabi, ang context ni Lassy sa halikan, ang tanong ko lang kay Ara at kay Lassy, ‘kung kaya ba nilang makipaghalikan sa isa’t isa? ‘Yun ang tanong ko nu’ng zoom. So, ‘yun ang ini-expect nilang pinakamalalang gagawin.

“Si Ara nu’ng tinanong ko kung okay lang siyang makipaghalikan kay Lassy, si Ara ganito kaagad, ‘(alanganing sumagot) okay lang direk no problem.’

“Nu’ng si Lassy ang tinanong ko kung okay lang na halikan niya si Ara na Miss Universe ang sagot niya, ‘talaga ba direk? Sure ka?’”

Nagkatawanan ang lahat ng nasa zoom mediacon pati ang host na si Giselle Sanchez ay humahalakhak din.

Sundot ni Lassy, “akala ko ‘yun na ‘yung pinakamatinding eksena hindi pa pala, sobrang lala pa pala, grabe ang pagkalaswa ng pelikula.”

Hindi ba nagdalawang isip si Ariella Arida na tanggapin ang role niya bilang dati siyang beauty queen at naghatid ng karangalan sa bansa bilang 3rd runner-up sa Ms U?

“Well, for me naman, tama naman si Lassy. ‘Yun ‘yung unang naitanong din sa akin kung kaya ko siyang halikan siyempre hindi ako nagdalawang isip, wow! Sabi ko, ‘okay naman so nu’ng nandoon na kami sa set nagtatawanan na lang kami ni Lassy.

“Sabi ko, ‘Lassy ang concerned ko ay kung kaya kitang halikan, so ito na ‘yung pinaka-grabe ko palang gagawin pero nu’ng nandoon na kami (set) natulala na lang kami sa isa’t isa.

“Actually, when we were there thankful ako kasi first time ko lahat naka-trabaho si direk Darryl at mga kasama ko ang gaan kasama, so ‘yung nagpa at ease sa akin sa set kahit mabigat ‘yung ginagawa naming eksena, so, after naming gagawin ‘yung mga eksena nagtatawanan na lang kami tapos babalik kami doon sa unang tanong sa amin na, ‘kaya mo bang halikan si Lassy?’ After naming gawin ‘yung mga eksena namin tinatawanan na lang namin and I think it helps the way na nagawa namin ‘yung mga eksena,” kuwento naman si Ariella.

Samantala, may experience si Lassy na hindi niya makakalimutan na gamit ang dating app noon dahil ang naka eye ball niya ay kasamahan niya sa trabaho at isa ring bading.

“Meron naman pero hindi ko ipinagpapatuloy gusto ko lang ma=experience ‘yung mga ganu’n klaseng app na lalo na kapag nasa ibang bans aka kasi ang ganda-ganda ko ro’n ganu’n. Nangyayari naman po ‘yan dati-rati pa.

“May isa pang nangyari pa ‘yung dati ‘yung chat-chat, ‘yung Mirc familiar po kayo sa Mirc? Nakikipag chat po ako, nagcha-chat kami tapos magmi-meet kami ASL (age, sex and location).

“Tapos tsinat ko siya, nag-chat siya sa akin tapos magkita raw kami sa Punchline (comedy bar) tapos nu’ng nakita ko, kasamahan ko rin pala sa trabaho, pareho kami nagkagulatan as in, si Arnel Tamayo (stand up comedian). I swear si Arnel talaga dalawa kami nagkagulatan.

“Kasi ‘yung Mirc (gamit) webcam dati ang ginagawa ko kasi hindi ako nagpapakita ng mukha, legs ko lang tapos boses lang ako ganu’n kaya gulatan na lang,” tumatawang kuwento ni Lassy.

Anyway, bukod kina Ariella at Lassy ay kasama rin sa pelikulang “Sarap Mong Patayin” sina Kit Thompson, at Bob Jibeili, Tart Carlos, at Marion Aunor. produced ng Viva Films at mapapanood sa Oktubre 15 sa Vivamax.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang buod ng pelikula ay tungkol sa catfishing na talamak na pagpapangggap at panloloko sa social media, ang iba’t-ibang karanasan ng mga nabibiktima ay talaga namang nakababahala at nakapanlulumo.

At kapag hinaluan pa ng droga ang panlolokong ito, siguradong malaking pinsala sa lahat ng sangkot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending