DEREK: Ibibigay ko ang lahat kay CRISTINE! | Bandera

DEREK: Ibibigay ko ang lahat kay CRISTINE!

Ervin Santiago - September 10, 2013 - 03:00 AM


MAMATAY na lang sa inggit ang mga nangnenega sa relasyon nina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Pinatunayan ng dalawa sa buong mundo na wala silang pakialam sa mga naninira sa kanilang pagsasama dahil wala naman daw silang ginagawang masama.

Mula kasi ng ibandera nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon ay wala na kaming narinig mula sa mga netizens kundi puro masasama patungkol sa kanila, may nagsabi pa nga na mamalasin din ang lovelife nina Derek at Cristine dahil pareho silang echoserang frog.

Pero sa interview ng The Buzz sa magdyowa, na-feel naman namin na parang tunay naman ang pagmamahal nila sa isa’t isa. In fairness, talagang in-announce nila agad na sila na, hindi na nila ito inilihim pa.

“Madaming nagtatanong bakit namin nilabas kaagad, hindi namin tinago. From my end, I’m very happy so hindi ko kayang itago ito,” ayon kay Derek. Naging official ang kanilang pagiging magdyowa noong Aug. 28.

Sey naman ni Cristine sa huling interview ng media, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na as isang seryosong commitment mauuwi ang friendship nila ng hunk actor, “Ang gusto ko sa kanya, very formal (panliligaw). Parang wala ng gumagawa ng ganu’n.”

Inamin naman ni Derek na abot-langit ang nerbiyos niya nang sagutin siya ng leading lady ni Gerald Anderson sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, “I was so nervous it was like high school.

Even though sinabi niya sakin na malaki ang chance ko on going past the boundaries of friendship.”  Chika naman ng sexy actress, “Wala sa character niya as in sobrang nahihiya siya sa akin na ako hindi ako masyadong makapagsalita kasi nasu-surprise rin ako kung pano siya.”

Sa isang hiwalay na interview, sinabi naman ni Derek na handa siyang sumugal kay Cristine pagdating sa pag-ibig, “Sabi ko I’m willing to take the risk so I asked if she’s willing to take it too.”

Na sinagot naman ni Cristine ng, “Sabi niya kasi sa akin, ‘Will you be my girlfriend?’ Sabi ko ‘Yes. I want to be your girl but not just your girl. I want to be your best friend. I want to be your everything.’”

Napi-feel naman daw ni Cristine na seryoso ang aktor sa kanya, wala raw siyang nararamdaman na ginagamit o pinasasakay lang siya ng ex-boyfriend ni Angelica Panganiban.

At ito naman ang ipinangako ni Derek sa bagong karelasyon, “All I can say is I’m going to give everything. She knows how serious I am.”

Well, hayaan na natin sila na lumigaya, kahit kami ay may duda sa bigla nilang pag-amin, pero sino ba naman tayo para makialam sa kanilang pagmamahalan.

Pero tulad ng nasabi na namin, hindi na rin kami magtataka kung hindi rin magtagal ang kanilang pagsasama. Alam n’yo na! Ha-hahaha! May ganu’n talaga!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending