Buhay ni Aiko nalalagay sa panganib dahil sa pulitika? | Bandera

Buhay ni Aiko nalalagay sa panganib dahil sa pulitika?

Therese Arceo |September 24,2021
facebook
share this

Buhay ni Aiko nalalagay sa panganib dahil sa pulitika?

Therese Arceo - September 24, 2021 - 01:31 PM

HINDI pa man pormal na inaanunsyo ni Aiko Melendez kung anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan sa darating na eleksyon ay kabi-kabila na ang mga dagok na kinakaharap nito.

Kamakailan lang ay may mga naninira ukol sa kaniyang pagtulong at ngayon nga ay tila nahaharap ito sa mas delikadong posisyon.

Ayon kay Ogie Diaz, may mga nagtatanggal raw ng mga tarpaulin ng aktres at may banta rin sa buhay nito at binabalaan pa siya na ‘wag nang ituloy ang planong pagtakbo.

Ibinahagi ni Ogie ang screenshot ng mensahe mula sa isang unknown number na nagsasabing, “Ingat lang nakamasid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sayo wag ka na tumuloy tumakbo. Alam namen lahat pati san ka nakatira at kung asan ka ngayon. Mag isa ka dba.”

Dagdag pa ni Ogie, halata raw na kalaban sa pulitika ang nagpadala ng text message sa aktres.

“Mukhang nalalakasan sila kay Aiko Melendez,” comment pa ni Ogie.

“Sa pulitika, aasahan mo, napakarumi talaga n’yan. At syempre ‘yung mga sanay na sanay na ang gumagawa n’yan,” dagdag pa nito.

Paalala naman ni Ogie, sana raw ay bigyan ng tsansa ang ibang tao na gawin ang mga nais gawin nitong gawin lalo na kung hindi naman nakakatapak ang mga ito sa iba.

Hirit pa nito, “Sana wala nang ganyan na mga bantaan. Hindi maganda ‘yan kasi baka bumalik ‘yan sa inyo.

“Tsaka kung naniniwala kayo na kayo ang karapat-dapat na maluklok sa pwesto, hindi ninyo kailangang ma-tense. Hindi n’yo kailangang matakot na baka may pumalit sa puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung naniniwala kayo na totoong nagtatrabaho kayo, na totoong binibigay niyo lahat ng serbisyo sa kapwa ninyo, hindi kayo dapat kabahan dahil kayo ang iboboto ng mga tao.”

Sa ngayon naman ay nasa lock-in taping ang aktres para sa teleserye nitong “Prima Donnas”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending