Mura humingi ng saklolo sa isang vlogger dahil sa iniindang sakit | Bandera

Mura humingi ng saklolo sa isang vlogger dahil sa iniindang sakit

Therese Arceo - September 23, 2021 - 05:48 PM

NANGANGAMBA ang komedyanteng si Allan Padua o mas kilala bilang “Mura” sa kaniyang kalusugan.

Matapos nga ang pagkamatay ng kaibigan at dating katambal na so Mahal, may pangambang nararamdaman ang binata lalo na at may nararamdaman itong hindi maganda sa katawan.

“‘Yung nararamdaman ko po, ‘yung baga ko parang napupuluputan ng parang ulap,” saad ni Mura.

Humingi naman ng tulong si Mura sa vlogger na naunang nagbigay ng tulong sa kanya na si Virgelyn Cares matapos hindi na magbalik ang grupo na nangako sa kanya na ipapagamot siya.

Marahil raw ay naging busy ang masabing grupo at hindi na siya muling nabalikan at naiintindihan naman daw niya ito. Agad naman niyang naisip ang vlogger dahil naniniwala siyang matutulungan siya nitong muli.

Sinamahan naman ng vlogger si Mura sa ospital para matignan ng doktor at dito nga ikinumpirma ng doktor na may pneumonia ang binata.

Madadaan naman daw sa gamutan ang sakit ni Mura ngunit nangangamba siya dahil napakarami ng gamot na kailangan niyang bilhin.

Gumawa naman ng vlog si Virgelyn at nangakong ang kikitain ng vlog ay mapupunta kay Mura para sa pagpapagamot nito.

Muli namang humingi ng tulong si Mura sa publiko para sa kaniyang sakit. Nabanggit rin nitong muli ang isa sa mga kaibigan sa showbiz na si Vhong Navarro. Humingi rin ito ng panalangin upang mapabilis ang kanyang paggaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending