'Porky ng ina ninyo!' | Bandera

‘Porky ng ina ninyo!’

Jake Maderazo - September 09, 2013 - 02:36 PM

IYAN ang  matapang na salita sa placard ng protester laban sa pork barrel scam na nakunan ng Phil. Daily Inquirer noong Biyernes. Isang  damdamin na sa palagay ko ay pareho ng isipan ng bawat empleyadong kinakaltasan ng witholding tax bawat sweldo, mga mamamayang kinakaltasan ng value  added tax (VAT) sa bawat bilihin, sa bawat gamit ng tubig at kuryente,  at bawat pagdaan sa Tollways tulad ng NLEX,SLEX, SCTEX, CAVITEX ,STAR TOLLWAY at maging SKYWAY.  Isama  natin diyan ang mga  pasahero ng MRT3, LRT1 and 2 na ngayo’y magtataas ng pasahe dahil wala na raw pondo ang gobyerno para rito.

Hindi lang P10 bilyon na pork barrel na napunta sa mga bogus NGOs ni Napoles at bulsa ng SENATONG  at TONGRESSMAN ang tinutukoy ko rito, kundi ang P 113.6 B pork ng mga mambabatas noong 2007-2009 na tinawag na kahindik-hindik ni COA chair Grace Pulido-Tan at nilaspag nang ganoon na lamang. Kung susundin ang partihang naganap, 50 percent sa mga  SENATONG at TONGRESSMAN, 35 percent kay Napoles , 15 percent sa mga line agencies, department officials, Usec o Asec kasama na ang mga taga COA bilang management fee.

Kung mga bogus NGOs ni Napoles ang pag-uusapan, madaling kwentahin kung magkano ang kinita ng mga SENATONG at TONGRESSMAN . Kung higit P1 bilyon ang inilagay  ni SENATONG GWAPO kay  Napoles,  P500 milyon ang kinita mo. Kung P470 milyon ang inilagay ni GURANG SENATONG,  P235 milyon ang nabulsa nito.

Pero paano naman iyong mga bogus NGOs na pareho ring ghost projects pero hindi kay Napoles? Ayon sa COA, anim na NGOs ang nakakuha ng P189 milyon kung saan kamag-anak pa ng isang legislator ang officer o incorporator. Sa kabuuan, sabi nga ni COA chair Tan, KAHINDIK-HINDIK?

At tatlong taon lamang ito, wala pa iyong 2001 hanggang 2006 at 2010 hanggang 2012 na halos siyam na taon. Isipin niyo kung gaano karaming buwis na galing sa pawis at dugo ng mamamayan ang pinagpasaan ng mga SENATONG at TONGRESSMAN na ito. Mga taong hinangaan  pa natin sa  impeachment at sa media. Mga fiscalizers na magagaling na protektor daw ng bayan. Pero iba pala ang ginagawa.

Ayon sa  huling talaan, mga  anim na senador at higit 40 congressman ang sangkot sa mga bogus NGOs sa loob lang 2007-2009. Sila ang mga unang kakasuhan ng plunder dahil nagkuntsabahan sila ni Napoles para sistematikong nakawain ang pondo ng bayan.  Sila ang ikukulong “without bail” o walang pyansa kung saan pati kanilang mga ari-arian ay bubulatlatin ng gobyerno. Bahala na ang Malakanyang , DOJ o NBI kung sino ang pipiliin nilang unang sasampulan. Ang sabi ng mga mahahagip,  pulitika  ito at bakit puro oposisyon lang ang uunahing kasuhan?

Sa aking pananaw,    wala pong  pulitika rito at kung meron man, puro cover-up lang sa isyu o iwas pusoy ang ginagawa nina PNoy para hindi masama ang kanyang mga kakampi. But in the long term, at  itaga niyo sa bato  hahabulin din sila ng batas. Kapag nagpalit  ng administrasyon, ito namang mga taga Liberal Party at mga Malacanang  appointees sa TUWID NA DAAN na  ang ilan ay nagpasasa rin sa kapangyarihan at pagbaboy sa pondo ng bayan ang susunod na makukulong. Sa mga taong ito, ang sabi ng bayan, porky ng ina niyo rin!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending