Julia walang pinagkakautangan ng 'sorry'; gusto uling makatambal si Gerald sa movie | Bandera

Julia walang pinagkakautangan ng ‘sorry’; gusto uling makatambal si Gerald sa movie

Ervin Santiago |September 22,2021
facebook
share this

Julia walang pinagkakautangan ng ‘sorry’; gusto uling makatambal si Gerald sa movie

Ervin Santiago - September 22, 2021 - 08:54 AM

Julia Barretto at Gerald Anderson

DIRETSAHANG sumagot ng “wala” ang aktres na si Julia Barretto nang tanungin kung may “major-major” ba siyang pinagsisisihan sa kanyang buhay. 

Ipinagdiinan din ng girlfriend ni Gerald Anderson na wala rin siyang pinagkakautangan ng “sorry” sa puntong ito ng kanyang buhay.

Sumalang ang dalaga sa question-and-answer game na mapapanood sa bagong vlog ng kaibigan niyang Joe Bianx. Nakasama niya rito ang kaibigan niyang si Marco Gumabao na leading man din niya sa TV5 series na “Di Na Muli.”

Ang rule sa nasabing challenge, kapag hindi nakasagot sina Julia at Marco, kailangan nilang kumain ng sili bilang punishment.

Isa sa mga unang itinanong kay Julia ay kung sino sa mga naging ka-loveteam niya noon ang nais niyang makatambal uli.

“Hindi naman mahirap sagutin iyan. Siyempre, I wanna do another film with Gerald,” tugon ng dalaga. Ang magiging title raw nito ay “Between Maybes Part 2.”

Sa mga hindi pa aware, ang “Between Maybes” ay ang pinagsamahang pelikula nina Julia at Gerald na ipinalabas noong 2019. Dito umano nagsimulang maging close ang dalawa na nauwi nga sa seryosong relasyon.

Dalawang buwan makalipas ipalabas ang nasabing movie ay nabalita ngang naghiwalay na sina Gerald at Bea Alonzo at ang itinurong third party ay si Julia.

Parehong dinenay nina Julia at Gerald ang chika ngunit noong March, 2021 ay inamin din ng aktor na magdyowa na sila ni Julia.

Ang sumunod na tanong kina Julia at Marco ay kung may pinagsisisihan ba sila sa buhay? Sagot ng aktres, “Wala. Siguro yung maliit na bagay, ‘Ah, bakit hindi ako naglinis today ng kuwarto?’ Yung pag-uwi mo, ‘Ay, kalat.’’

Wala rin daw siyang “major” na pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya sa kanyang buhay.

Next question, may tao ba silang pinagkakautangan ng sorry? “Wow!” ang tila nagulat na reaksyon ni Julia saka nag-isip ng isasagot.

Ayon naman kay Marco, sa Diyos lang daw siya magso-sorry. Balik-tanong naman niya kay Julia, “E, ikaw?”

“Wala,” sagot uli ng aktres. Ngunit hindi pa rin siya tinantanan ni Marco, “Wala kang gustong i-sorry, Ju? Itago natin sa pangalang…”

Hirit ni Julia, “Wala. Pero siguro kung magso-sorry, iyong simpleng… yung alam mo… kunwari pagod ka, tapos nalalabas mo sa mga kasama mo minsan.”

“So, sino nga?” pangungulit ni Marco. Sagot ng dalaga, “Hindi, wala. Siguro kapag feeling nila ay natarayan ‘ko.”

Sa huli, binigyan na lang ni Marco ng sili ang kaibigan dahil hindi nito nasagot ang kanilang tanong.

Isa pa sa naitanong kay Julia ay kung may balak na siyang magpakasal anytime soon. “Yeah,” mabilis na tugon ng dyowa ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Talagang doon ka na, e,” reaksyon ni Joe. “Oo,” sagot uli ni Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending