Misis ni Jao naloko sa pagbebenta ng branded bag: Sabi ko hayaan na lang mababalik din yun... | Bandera

Misis ni Jao naloko sa pagbebenta ng branded bag: Sabi ko hayaan na lang mababalik din yun…

Reggee Bonoan |September 21,2021
facebook
share this

Misis ni Jao naloko sa pagbebenta ng branded bag: Sabi ko hayaan na lang mababalik din yun…

Reggee Bonoan - September 21, 2021 - 04:46 PM

Jao Mapa

NASA Tomas Morato area kami sa Quezon City nitong Lunes at nakita namin doon ang aktor na si Jao Mapa kaya nagkatsikahan kami sandali.

Bungad niya kaagad sa amin, “Uy, ‘Gee salamat sa sinulat mo tungkol doon sa tinapos ko ang pag-aaral ko at naging bread and butter ko ang pagpipinta ko during the lockdown na walang trabaho. Sa BANDERA mo isinulat, grabe ang daming hits, ilang beses pati sa Instagram account ko, sobrang salamat.”

Siyempre natuwa rin kami dahil kahit paano nakatulong ang BANDERA sa aktor lalo na’t through his Instagram niya pino-post ang lahat ng nasusulat sa kanya at mga painting niya na doon na rin umoorder sa kanya.

Natanong namin kung kumusta na ‘yung kinunan nila ng alahas na kapalit ng paintings niya dahil first time niyang makapagbigay ng alahas sa asawa.

“Ah ‘yun, bumalik na ng Japan.  Tagaroon naman talaga siya, gusto lang niyang ma-dispose siguro ‘yung mga paninda niya tapos umalis na,” sagot ni Jao.

Natuloy ba ‘yung negosyong bags ng misis niya? “Oo, hayun ang sikip nga ng bahay namin ngayon kasi ang daming stocks na bags. Hirap magbenta now, kulang na nga lang ako na magbenta, eh.”

Sinabihan naming mag-ingat sila sa pagbebenta ng branded bags dahil marami na ring naloloko rito.

“Naloko na, buti isang bag lang, sabi ko nga sa wife ko, hayaan na lang. Mababalik din ‘yun,” pagtatapat ng aktor.

Sabay paalala ni Jao, “Uy, malapit na September 24 ah, streaming na ang Paraluman.”

Excited si Jao sa pelikulang “Paraluman” dahil ito ang balik-pelikula niyang lead role siya kasama si Rhen Escano na idinirek ni Yam Laranas produced ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax.

After “Paraluman” ano ang next project ni Jao sa Viva? “May sinasabi sila hindi ko pa alam kung tuloy this October. Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva at kay Tita Aster (Amoyo, manager niya) kasi nakabalik ako, di ba? And imagine during pandemic pa, kaya grateful ako kasi may work. Ang daming walang work ngayon.”

Napansin naming maganda ang katawan ngayon ng aktor at walang tiyan, “Oo kailangan kong maging fit, eh. Alam mo na, puro mga bata (kapareha) labanan ngayon, dapat hindi tayo nagpapahuli,” nakangiting sabi ni Jao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga dumami nang husto ang projects ni Jao lalo’t tatlo na ang anak niyang nag-aaral ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending