RR Enriquez pumalag sa mga bashers nina Toni at Bongbong: Kayo ang diktador
DINEPENSAHAN ng tinaguriang “Queen SawseRRa” na si RR Enriquez sina Bongbong Marcos at Toni Gonzaga sa mga bashers matapos ang viral interview ng aktres sa dating senador.
“Grabe din talaga ang mga bashers no? Imagine Toni Gonzaga na yan. Isa sa iisipin mong matino, may magandang moral values, magaling na host nababash pa. Ako pa kaya na tae tae lang? Kaya pasok bashers,” saad ng TV personality.
“My opinion? So what if she interviewed Mr. Bongbong Marcos? Ang lagay ba dapat yung gusto nyo lang ang dapat interviewhin?
Ayon sa kaniya, ano naman daw kung ininterview ng TV host-actress si Bongbong? Dapat daw ba ay ang gusto lang ng madlang pipol ang dapat sundin nito?
“That is her own Vlog show, so malamang igi guest nya kung sino man ang gusto nyang iguest. Hindi yung gusto nyo lang. Eh di sana kayo na lang ang nag host? Or bakit hindi na lang kayo gumawa ng sarili nyong vlog?” pagpapatuloy niya.
Giit pa nito, wala raw bang karapatan si Bongbong na mag-explain at ipagtanggol ang kanyang ama.
“Pilit nyong sinasabi na Diktador ang Marcoses pero parang kayo ang DIKTADOR.
“Sa totoo lang wala ako nung time na namumuno pa ang Marcoses pero bakit ang Tatay ko sobrang grabe ang pagmamahal sa Marcos even yung ibang mga Lola na na nakakausap ko?
“Hindi ko sinasabing walang ginawang mali ang Marcos. Pero ang kalaban ba sa tingin nyo wala din nagawang mali??” dagdag nito.
Aniya pa, “Nasa year 2021 na tayo. I think kung matututunan natin magpatawad at hindi mag dwell sa past baka magkaroon pa tayo ng pag asang maka ahon.
Ang saklap na puro galit, poot ang itinatanim sa mga puso natin ng mga magulang or nakatatanda sa atin.”
Naniniwala daw ang TV personality at vlogger na ang Diyos pa rin ang may kontrol sa lahat. Hindi raw kailangang mag-away at magtalo.
“Malapit na ang Elections. We need more prayers but again always believe that God is in control of everything,” saad nito.
May pa-bible verse pa nga si RR patungkol sa bitterness.
“Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, along with all malice. Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you.”
May mga sumang-ayon sa post niya tulad na lang ng aktor na si Baron Geisler na napa-comment ng “nice one rr”.
Ngunit marami pa rin ang salungat sa pahayag ng TV personality.
Matatandaan na kamakailan lang ay may “open letter” ang Ateneo Martial Law Museum hinggil sa naging interview nito kay Bongbong Marcos.
Iniimbitahan nila ang aktres na bigyang panayam rin ang mga biktima at surviving families noong Martial Law regime dahil higit na inspirational para sa audience nito kesa sa naging interview sa isang Marcos.
Ayon pa sa kanila, ang naging panayam ni Toni sa anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos ay nakadadag lamang sa “Marco family’s attempt to whitewash their human rights violation and its proven historical record.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.