John Lloyd, GMA nagkasundo na sa talent fee; ABS-CBN may bonggang pa-welcome kina Piolo at Lovi Bandera

John Lloyd, GMA nagkasundo na sa talent fee; ABS-CBN may bonggang pa-welcome kina Piolo at Lovi

Reggee Bonoan |September 15,2021
share this

John Lloyd, GMA nagkasundo na sa talent fee; ABS-CBN may bonggang pa-welcome kina Piolo at Lovi

Reggee Bonoan September 15, 2021 - 08:24 PM

John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Lovi Poe

KAKASULAT lang namin dito sa BANDERA nitong Martes, na hindi na matutuloy si John Lloyd Cruz sa GMA 7 dahil hindi raw nagkasundo sa talent fee.

Ito’y base sa kuwento ni Nay Cristy Fermin sa programa niya sa Radyo Singko 92.3 News FM kasama si Rommel Chika. Pero heto’t balitang tuloy na tuloy na raw ang aktor sa pagiging Kapuso.

Sabi ni Nay Cristy, “Nag-meeting na ulit ang production, tuloy na ulit siya sa gagawin niya (sitcom) sa GMA 7.”

Sabi ni Rommel, “Mukhang nahilot na raw ‘Nay ang talent fee.”

“Mukhang nagkita na sila (GMA at Lloydie) sa gitna. Mukhang nagkaintindihan na sila lalo na si John Lloyd na ang panahon ngayon ay hindi na tulad ng dati.

“Mukhang may nakapagsabi na sa kanya, na payo ng mga kaibigan na, ‘Lloydie, ang dami-daming artista na walang trabaho ngayon, e, ikaw o meron. Kunin mo na ‘yan,’ parang ganu’n.

“So, nagkita na sila sa gitna, so ‘yun na ‘yun, di ba?” kuwento ng radio host at beteranang manunulat.

Dagdag pa ni Nay Cristy, “At susunod diyan ay may pelikula rin siyang gagawin kaya maganda.  Ang isang John Lloyd Cruz na pansamantalang nawala may babalikan dahil sikat siya, may talento siya at may iniwan siyang marka sa showbiz kaya meron siyang babalikan.”

* * *

Nabanggit din ni Nay Cristy na bukas, Set. 16 magaganap na ang grand welcome ng ABS-CBN para kina Lovi Poe at Piolo Pascual.

Sumakto naman sa nakita naming video post ng Dreamscapeph sa Instagram habang sinusulat namin ang balitang ito na ang caption ay, “She’s coming to her new home! 9.16.21 #JustLove.”

Halatang-halata namang si Lovi ang babaeng nasa video dahil sa pigura at tattoo nito sa kaliwang bahagi na malapit sa kanyang boobs.

May nakita naman kaming larawan mula sa netizen na nagngangalang @rency0722 ang inilatag na red carpet sa mahabang hallway ng ELJ Building tumbok ang magkabilang elevator kung saan aakyat ang dalawang artista patungo sa opisina ng CEO ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak para sa contract signing.

Ang makakasama ni Lovi ay ang nagbabalik-Kapamilya na si Piolo Pascual na nauna namang nagsabi na “see you soon” na pansamantala lang umalis dahil sa pakiusap ng tatay-tatayan niyang si Mr. Johnny Manahan noong nagkaroon ng show sa TV5 na hindi rin tumagal sa ere.

Ang paliwanag nga ni Nay Cristy tungkol kay Piolo, “Si Piolo Pascual ay nandoon na ulit ngayon sa ABS-CBN. Sabagay saan pa ba pupunta si Piolo, e, ‘yun namang ginawa niya rito (TV5) na Sunday Noontime Show (SNL) e, parang pagbibigay lang niya sa tatay niyang si Direk Johnny Manahan.

“Saka pansamantala lang naman ‘yun dahil nu’ng pumunta siya ng Amerika ang sabi niya, ‘kapag may maganda ng proyekto ang ABS-CBN babalik siya.’

“San ba pupunta si Piolo syempre sa ABS (CBN), ‘yun naman ang maganda sa batang ‘yun may loyalty siya kahit pa nandoon na ‘yung tatay-tatayan niya sa GMA 7 at kahit na lumutang pa noon ang balita na susunod raw si Piolo Pascual ay hindi naman ‘yun totoo,” sabi ni Nay Cristy.

Sabi rin ni Rommel, “Kapamilya forever!”

Dagdag ni Nay Cristy, “At paninindigan niya ‘yun!  May balls si Piolo pagdating sa ganu’n sa loyalty at pagtanaw ng utang na loob.”

Naisip namin, hindi nga kaya ang isa sa dahilan kung bakit napa-oo si Lovi na lumipat sa Kapamilya network ay dahil sila ni Piolo ang pagtatambalin sa isang project?
Abangan bukas ang “the big reveal” ng Dreamscape Entertainment.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending