Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe! Bandera

Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe!

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe!

Ervin Santiago September 14, 2021 - 10:37 AM

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

SUPER touched at mangiyak-ngiyak ang Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa pa-surprise ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Hindi kasi nakalimutan ni Gerald na batiin at sorpresahin siya sa kanilang monthsary.

Sa isang video na ipinost ng Comedy Queen sa Instagram last Sunday, September 12, makikitang pauwi na siya galing sa isang baking class.

At pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay nagulat siya nang  makita ang bouquet of flowers mula kay Gerald na kasalukuyang nasa Amerima ngayon para sa isang badminton tournament.

“Crayola akiz bakla, pero na surprise ako grabe hindi mo nakakalimutan talagang bigyan ako ng flowers my darling tuwing monthsary naten,” pahayag ni Ai Ai.

Aniya pa, “Salamat asawa ko happy monthsary … and kanina nag pasalamat ako kay LORD. 

“Bukod sa wala tayong covid binigay kanya saken. Sana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko … thank you darl miss na miss na kita,” mensahe pa ni Ai Ai.

Samantala, ibinalita rin ni Ai Ai na magkalayo sila ngayon ng kanyang mister dahil sa badminton tournament nito sa US. First time raw nilang nagkalayo nang medyo matagal.

“Nasan si darl ba??? Nasa US si darl mag tournament sa badminton.. ingat ka parate dyan darl…

“(first time namin mag kahiwalay ng medyo matagal) @gerald_sibayan #badmintontournament #bandmintonusopen #mahiraptalagaLDR,” ang caption pa ng komedyana sa kanyang IG post.

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe si Gerald para sa kanyang wifey, “I love you so much my wife @msaiaidelasalas i miss you happy monthsary (face blowing a kiss emojis).”

Reply naman ni Ai Ai sa kanya, “@gerald_sibayan labyu my darling salamat sa walang kapantay mong pagibig.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending