True ba, tuloy na ang book 2 ng First Yaya nina Gabby at Sanya na may titulong First Lady? | Bandera

True ba, tuloy na ang book 2 ng First Yaya nina Gabby at Sanya na may titulong First Lady?

Ervin Santiago |September 09,2021
facebook
share this

True ba, tuloy na ang book 2 ng First Yaya nina Gabby at Sanya na may titulong First Lady?

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 09:04 AM

Gabby Concepcion at Sanya Lopez

HANGGA’T hindi pa nagsisimula ang taping at wala pang gumigiling na mga camera, hindi muna magsasalita si Sanya Lopez tungkol sa balitang tuloy na ang book two ng hit romcom Kapuso series ma “First Yaya.”

Ayon sa dalaga, mahirap na raw magkamali dahil baka kapag nagkomento siya hinggil sa nasabing proyekto ay malagay pa siya sa alanganin.

May mga chika kasi na “First Lady” na ang magiging title ng sequel ng “First Yaya” dahil nga ikinasal na si Yaya Melody (Sanya) kay President Glenn Acosta na ginampanan naman ni Gabby Concepcion.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bagong drama anthology ng GMA na “Regal Studio Presents” kung saan ang epidode nila ni Ken Chan na “That Thin Line Between” ang magiging pilot episode, natanong ang aktres tungkol sa part 2 ng “First Yaya.”

“Hindi pa rin po kasi nagsasalita hangga’t hindi ko pa po sure. So, kapag sure na, mas mabilis magsabi, e. Mas mabilis magkuwento.

“May paniniwala kasi ako na kapag hindi pa siya umeere at hindi ko pa napapanood ang sarili ko, hindi po talaga ako nagsasalita regarding sa project na gagawin ko po,” paliwanag ni Sanya.

Ngunit aminado naman ang dalaga na talagang excited at umaasa rin siya na magkakaroon ng continuation ang love story nina Melody at President Glenn.

“Ang dami dami kasing possible na mangyayari, e. Imagine, nu’ng First Yaya pa lang siya, ang dami nang nangyari kay Yaya Melody. Ano pa kaya ngayong naging asawa pa siya ng presidente?

“Nu’ng nagsisimula pa lang siya, ganu’n na kagulo, ano pa kaya? Sabi nga namin, kapag nagkataon, sana mas masaya pa.

“Kasi, isa sa naging…kung bakit kinagat itong First Yaya, kasi sa dami-dami nating pinagdaanan ngayon, ang dami-dami nating hindi magandang napapakinggan, nababalitaan, isa si First Yaya sa nagbigay-saya.

“Kahit paano, nakapawi ng lungkot sa alam mo sa mga nangyayari sa buhay,” sey pa ni Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na ang unang pagtatambal nina Sanya at Ken sa “That Thin Line Between” para sa unang handog ng “Regal Studio Presents” sa Sept. 11, Sabado, 8:30 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending