Pooh keri lang mawalan ng dyowa wag lang ang mga mahal sa buhay | Bandera

Pooh keri lang mawalan ng dyowa wag lang ang mga mahal sa buhay

Therese Arceo - September 02, 2021 - 07:26 PM

IBANG-IBANG Pooh ang napanood ng netizens sa latest vlog na inilabas ng kaibigan at kapwa komedyanteng si Chad Kinis.

Dahil sa pandemya ay matagal ring hindi nagkita at nagkasama ang magkaibigan.

Sa kanilang kuwentuhan ay dating magkasama sa condo na tinitirhan sina Poh at Chad kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Ikinuwento naman ni Pooh ang kaniyang naging journey bago siya nakilala ng madlang pipol bilang Pooh the Comedian.

Nagmula ang komedyante sa Northern Samar na nangarap lang na marating sa Maynila at makapag-aral.

Lahat ng trabaho ay pinasok nito mula sa paglilinis ng mga griller, wedding singer. room boy, waiter, quality controller, hanggang sa mapunta ito sa sing along bars.

“Sa sing along, doon na nagsimula ang lahat. Doon na nadiscover ang Pooh,” pagbabahagi ng komedyante.

Sa kabila ng mga natamo ay hindi daw sumagi sa isip niya na sikat siya o naging sikat siya.

“Siguro ang pinagmamalaki ko lang ngayon na lagi kong iniisip, parang siguro sa tulong ni Lord, ‘Thank you, kaya ko. Kaya ko pala’. Mahirap, maraming ups and downs ngayon pero kakayanin mo talaga,” saad nito.

Hindi naman lahat ng komedyante ay tunay na masaya. Tulad natin, tao lang rin sila na nakanaramdam ng takot, lungkot at pangamba lalo na ngayong pandemya.

Dito na nga inamin ni Pooh ang isa sa mga kinatatakutan niya, ang mawala ang mga taong mahal niya.

“Ang dami nang nawala, mga classmate ko. ‘Yun ang laging pinapakatatag ko sa sarili ko kasi pag nadepress ako dahil sa pagkawala nila, paano ‘di ba? Paano naman ‘yung mga maiiwan ko.

“Mga ka-batchmates ko, ang dami na nilang nawala. Si Kim Idol, mahal na mahal ko. Si Hans, si Chaz kahit na pasaway, alam mo ‘yun, minahal mo ‘yun,” umiiyak na saad ni Pooh.

Minsan daw ay hinihiling niya na sana ay tama na, na sana ay last na ‘yun. Kaya kung minsan ay ayaw na niyang sagutin ‘yung mga nagtetext at tumatawag sa kaniya dahil kasunod daw nito ay ang balitang may nawala na namang malapit sa kaniya.

“Kaya lagi ako nangangamusta. Lagi kong pinapanalangin na sana tama na [ang pagkawala] ng mga nakapaligid sa akin. Tama na ang pandemya.

“Pero lagi ko rin sinasabi na parte ‘yun, eh. Parte ng pagsubok. Parte ng pagiging matatag mo. Masakit lang kaso mahal mo ‘yung mga taong ‘yun. Ayoko lang pag-usapan ang pagkawala, doon ako mahina,” naiiyak muli nitong saad.

Kaya raw niya na mawalan ng dyowa wag lang ang mga malalapit niyang mahal sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangako naman si Chad na kahit anong mangyari ay hindi nila iiwan ang kaibigang si Pooh, na mananatili ito palagi sa tabi nito kahit madalang silang magkakitaan.

Nanawagan naman ito sa mga kapwa kasamahan sa industriya na magtulong-tulong upang magpasaya dahil sa panahon ngayon ay ito ang kailangan nila, ito ang kailangan ng maraming tao. Kailangan nating sumaya upang maka-survive sa pandemyang hindi tiyak kung kailan mawawala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending