Mura sa huling pagkikita nila ni Mahal: Parang kakaiba, yung namamaalam siya sa akin ng ganu'n... | Bandera

Mura sa huling pagkikita nila ni Mahal: Parang kakaiba, yung namamaalam siya sa akin ng ganu’n…

Ervin Santiago - September 01, 2021 - 06:46 PM

Mura at Mahal

INAKALA rin ng dating komedyanteng si Mura na fake news lang ang balitang namatay na ang dati niyang katambal at kaibigan na si Mahal.

Parang hindi raw totoo ang lahat ayon kay Mura o Allan Padua sa tunay na buhay dahil kailan lamang ay kasama pa nga na niya si Mahal na Noeme Tesorero naman ang totong pangalan.

Ang tinutukoy ng komedyante ay ang pagdalaw sa kanya nang personal ni Mahal sa Guinobatan, Albay last month kasama ang nali-link sa kanyang vlogger na si Mygz Molino.

Natulala rin daw siya nang makumpirmang totoong patay na si Mahal dahil sa COVID-19 complications. 

“Sabi ko pa nga, ‘Maniwala kayo diyan, fake news lang ‘yan.’ Tapos nalaman ko nga du’n sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya, nag-post ang kapatid na si Irene (Tesorero),” kuwento ni Mura sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Hindi ko pa maiisip na yun ang mangyayari sa kanya. Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito, yung di ko alam kung paano ko paniniwalaan, e, bigla e.

“Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, ang saya-saya namin dito, e,” aniya pa.

Tulad ng reaksyon ng mga netizens, feeling din ni Mura ay may pagpaparamdam na ang kanyang kaibigan sa mangyayari sa kanya base sa huling pag-uusap nila.

“Sabi niya sa akin, ‘Huwag kang mag-alala, Mura. Kahit ano pasensiyahan mo na itong konting tulong ko, pero kahit matanda na ako…’

“Sabi nga niya, ‘Kahit wala na ako, tutulungan pa rin kita.’ Parang kakaiba, di ba, parang yung namamaalam ka sa akin na ganu’n, dinaan lang namin sa biro-biro yun,” pag-alala ni Mura.

Kuwento pa ng dating komedyante, balak pa nga niyang pumunta ng Maynila para sa gagawin nilang vlog ni Mahal. Pag-uusapan din sana nila ang gagawin nilang pelikula at iba pang proyekto.

Nang hingan ng mensahe para sa pumanaw na kaibigan, “Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa ‘yo at pinuntahan mo ako rito. Binigyan mo ako ng tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako. Gustuhin ko man na pumunta diyan pero paano, mahirap ngayon, e. Pasensiya na po,” ang pahayag pa ni Mura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending