Ina ni Karla Estrada na-prank: Pera na naging bato pa | Bandera

Ina ni Karla Estrada na-prank: Pera na naging bato pa

Therese Arceo - August 31, 2021 - 08:37 PM


ISANG birthday celebration ang inihanda ni Momshie Karla para i-celebrate ang birthday ng kaniyang ina.

Saglit na bumisita ang TV host-actress sa Tacloban upang batiin at makapiling si Mama Thelma kaniyang espesyal na araw.

Tila nasorpresa naman ito nang makita ang anak sa restaurant na may dala-dalang cake at kumakanta ng birthday song imbes ang lawyer nito na siyang dapat ay ka-meeting niya.

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Ang set up pala ay may meeting ito sa kanilang lawyer ukol sa lupa na nais nitong ibenta at wala itong kaalam-alam na makikita ang anak dahil nasa Maynila ito.

“Sayang. Pera na naging bato pa,” sabi daw ni Mama Thelma kay Momshie ayon sa caption nito sa Instagram.

“Ano man ang kwento ng mga momshie natin, deserve nilang alagaan, unawain at mahalin simply because sila ang nagluwal sa atin,” saad nito.

“Happy Birthday ma! We love you so much! Stay healthy and blessed,” bati nito sa ina.

Pabiro rin niyang pinaalalahan ito na mag-hinay hinay sa lechon.

Maraming netizens at kaibigan ng TV host ang natuwa sa sorpresa ni Karla sa ina.

Marami rin ang nagpaabot ng pabati kay Mama Thelma tulad nila Jhong Hilario, Momshie Melai Cantiveros, Angeline Quinto, at Vina Morales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin nagpahuli ang mga fans at supporters nila Daniel sa pagbati at hangad nila ay mas humaba pa ang buhay ni Mama Thelma at manatiling malusog at malayo sa karamdaman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending