Heart buong araw umiiyak habang naka-quarantine: I don’t have COVID but my anxiety is very bad
Heart Evangelista
MARIING pinabulaanan ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na tinamaan siya ng COVID-19 kaya siya naka-isolate ngayon.
Paglilinaw ng misis ni Sen. Chiz Escudero, kinailangan muna niyang mag-quarantine dahil kauuwi lamang niya mula sa Amerila. Isa ito sa mga health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga Pinoy na galing sa ibang bansa.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Heart na matindi ang nararamdaman niyang anxiety attacks dahil sa pagkakakulong nang matagal sa isang lugar.
“I’m so anxious (crying emoji),” simulang pag-amin ng aktres.
Aniya pa, “Those asking… I’m in quarantine cause I came from LA… I don’t have covid (praying hands emoji).
“Just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time.
“My anxiety is very bad. I am actually crippled by it most of the time… that’s why I can’t travel by myself,” pahayag pa ng Kapuso star.
Kasunod nito, hindi raw niya mapigilan ang sarili na mapaiyak, “Maybe one time I’ll talk more about it just trying my best to relax… even if I’ve been crying the whole day.”
Sinagot naman ni Heart ang tanong ng ilan sa kanyang Instagram followers tungkol sa kanyang kundisyon ngayon habang naka-quarantine.
Reaksyon ng isang netizen sa post ng aktres, “Are you feeling anxious because you have COVID? (crying face emojis).”
Sagot bi Heart sa kanya, “@dianalopez89397 no … I don’t post real time. I am in quarantine and being in closed spaces for a long time suffocates me … I have really bad anxiety.”
Sabi naman ng isang netizen, “I feel like she’d be in a hospital instead if she does have Covid.” Na nireplayan ni Heart ng, “@nettnettnettnettnett don’t worry, I don’t.”
Kung matatandaan, ilang araw ding nag-stay sa Amerika si Heart para sa mga natanguang proyekto, kabilang na nga riyan ang isang collaboration kasama ang Incubus frontman na si Brandon Boyd.
Kamakailan naman ay sumabak na rin ang aktres sa unang lock-in taping para sa upcoming Kapuso series na “I Left My Heart In Sorsogon” kasama sina Richard Yap at Paolo Contis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.