AJ, Sean walang kyeme sa isa't isa, game lang sa sex scenes | Bandera

AJ, Sean walang kyeme sa isa’t isa, game lang sa sex scenes

Reggee Bonoan |August 28,2021
facebook
share this

AJ, Sean walang kyeme sa isa’t isa, game lang sa sex scenes

Reggee Bonoan - August 28, 2021 - 05:31 PM

BAGO pala sinyut nina Sean De Guzman at AJ Raval ang pelikulang “Taya” na idinirek ni Roman Perez Jr na palabas na ngayon sa Vivamax ay nakita na nila ang katawan ng isa’t isa sa pelikulang “Nerisa”, na pinagbidahan ni Cindy Miranda kasama si Aljur Abrenica.

Kaya pala kampante na sina Sean at AJ sa sex scenes nila sa Taya base sa napanood namin sa advance screening kamakailan.

Parang wala lang kay AJ na hubarin ang kanyang saplot at gayun din si Sean pero maingat si Direk Roman dahil ginagawa niyang blurred ang shots o kaya may takip na kumot o kunwaring may nakaharang para hindi lumabas na ini-exploit ang katawan ng dalawang bida.

Game na game ang dalawa o baka kasi totoong may namamagitan na sa kanila kaya feel na feel nila ang kanilang mga love scenes na inamin din naman ni Sean na may eksenang tinamaan siya pero hindi niya binanggit kung ano ito at natawa na lang si Direk Roman dahil nasilip niya iyon sa kamera.

Hmm, duda namin ay ‘yung nilagyan ni AJ ng peanut butter ang buong katawan ni Sean habang nasa bathtub sila at dinilaan niya iyon mula sa ibaba hanggang sa papunta sa labi ng binata.

Ang moral ng pelikulang “Taya”, huwag masyadong magtiwala sa bagong kakilala at gamitin muna ang utak bago ang puso at pagnanasa bago gumawa ng desisyong ikapapahamak.

Ito kasi ang karakter ni Sean sa “Taya” na sobrang na-in love kay AJ na pinapa-premyo sa mga nanalo sa online betting na sa bandang huli ay naging daan para ikapahamak ng binata.

E, kasi naman ‘tatayaan’ mo talaga si AJ dahil sa innocent look niya pero matindi pala sa sex.

Malaki na ang improvement ng acting ni Sean nakitaan na namin ng pagka-natural at si AJ naman ay gayun din. Sana magbigyan ang dalaga ng project na heavy drama para makita ang iba pa niyang ipapakita maliban sa pagpapa-sexy.

Isa ang “Taya” sa malakas ngayon sa Vivamax kaya masaya ang buong cast at siyempre ang Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending