Julia muling babandera sa teleserye ngayong Setyembre | Bandera

Julia muling babandera sa teleserye ngayong Setyembre

Therese Arceo |August 27,2021
facebook
share this

Julia muling babandera sa teleserye ngayong Setyembre

Therese Arceo - August 27, 2021 - 05:10 PM

MAPAPANOOD nang muli ng madlang pipol si Julia Barretto ngayong Setyembre 18 sa TV5.

Bibida si Julia sa teleseryeng “Di Na Muli”, isang romance-drama series kung saan makakasama niya ang kaibigang si Marco Gumabao at ang dating PBB housemate na si Marco Gallo.

Ito ang kauna-unahang project ng aktres matapos itong lumipat sa Viva Artists Agency noong Setyembre 2020.

Matatandaang May 2021 noong nagsimula maglock-in taping ang production ng teleserye sa Subic, Zambales.

“Finally, the wait is over. Magkakaroon na kami ng teleserye ni Marco. OMG, not just one Marco but two. Abangan n’yo kami sa pinakabagong romance drama with Marco Gallo and Marco Gumabao,” pag-iinvite ng aktres sa madlang pipol na tangkilikin ang kanilang bagong teleserye.

Makakasama rin ng tatlo sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Katya Santos, Baron Geisler, Krissha Viaje, at Andre Yllana sa teleserye na mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Bukod naman sa bagong teleserye, makikitang busy si Julia sa pagsama sa mga ganap ng dyowang si Gerald Anderson na nahaharap sa malaking kontrobersya sa ngayon.

Tila dedma lang ang dalawa sa mga naglalabasang issue at mas pinili na lamang manahimik at i-enjoy ang piling ng isa’t isa.

Sa katunayan ay trending ang photos nila ngayon nang dumalo ang mag-dyowa sa ground breaking ceremony ng Philippine Coast Guard K9 Academy sa Clark, Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending