Cong. Toto Mangudadatu nilinaw na hindi naging kalaguyo si Sharifa Akeel | Bandera

Cong. Toto Mangudadatu nilinaw na hindi naging kalaguyo si Sharifa Akeel

Therese Arceo |August 27,2021
facebook
share this

Cong. Toto Mangudadatu nilinaw na hindi naging kalaguyo si Sharifa Akeel

Therese Arceo - August 27, 2021 - 03:37 PM

IBINAHAGI ng bagong kasal na sina Sharifa Akeel at Cong. Toto Mangudadatu ang kanilang naging love story.

Ayon sa Mutya ng Pilipinas 2018 title holder, taong 2015 nang una siyang alukin ng kasal ng kongresista ngunit 18 years old lang daw siya noon kaya agad siyang tumanggi sa mensaherong pinapunta ni Cong. Toto sa kanila.

“Bukod sa napakaganda niya, nakitaan ko kasi si Sharifa ng kababaang loob, malambing at napakabait. Higit sa lahat, may takot kay Allah at madasalin siya kaya noon pa man ay nagustuhan ko na siya at ilang beses ko na ring inalok ng kasal pero lagi naman niyang tinatanggihan,” kuwento naman ni Cong. Mangudadatu.

Dagdag pa ni Sharifa, hindi raw niya makakalimutan ang unang beses na nagkausap sila ng asawa sa telepono.

“Talagang nakiusap ako sa kanya na tigilan na niya ako dahil hindi pa ako ready at marami pa akong gustong marating sa buhay so ayoko pang mag-asawa,” saad naman ng beauty queen.

Matapos nga ang ilang rejection ay hiniling na lang ni Cong. Toto na maging magkaibigan na lang sila para mas magkakilala pa at dito ay pumayag na si Sharifa.

Taong 2016 raw nang pumunta sa lugar nina Sharifa si Cong. Toto. Dito nga raw ay humanga siya asawa dahil nakita niya ang tunay na ugali nito sa kabila ng estado sa buhay.

Dito nga raw nagsimula ang koneksyon ng dalawa at gabi-gabi na kung magtawagan at magkumustahan.

“Naalala ko noong nag-judge ako sa Matalam, mag isang matandang lalaki na biglang lumapit sa akin tapos sabi agad na si Cong. Toto daw ang mapapangasawa ko,” lahad ni Sharifa.

Saad pa niya, lagi raw niyang sinasabi sa sarili niya na magpapakasal lamang ito sa lalaki dahil mahal niya ito at hindi sa kung anong meron siya.

Naging matagal rin bago nasundan ang kanilang pagkikita. Muli na lamang silang nagkita noong 2019 sa Inaul Fashion Show.

Noon pa man ay matagal nang dinadalangin ni Sharifa na mapunta siya sa isang lalaking may katangian ng tunay na Islam at natagpuan niya ito kay Cong. Toto.

Dagdag pa niya, isa si Cong. Toto sa mga taong hindi siya iniwan noong maraming mga bashers ang pilit siyang ibinababa noong sumali ito sa mga beauty pageants. Pangarap kasi ni Sharifa ang sumali sa beauty pageants lalo na sa Miss Universe.

Ayon kay Cong. Toto, isa ang asawa sa mga napusuan na ilaban sa Miss Universe pageant ngunit pinaglapas niya ang opportunity na ito para mag-settle down kasama siya.

“Hindi man natupad, no regrets because right now, I am wearing the greatest and most special crown of all, to be Mrs. Sharifa Akeel Mangudadatu,” sweet na saad ng beauty queen.

Hiling ni Sharifa na sana’y bigyan siya ng pagkakataon ng pamilya ni Cong. Toto para patunayan ang pagmamahal nito da kongresista.

Humingi naman ng patawad si Cong. Toto sa pamilya at nagmamahal kay Sharifa dahil ngayon lang nila inilantad ang kanilang relasyon.

Nawa’y maintindihan raw ng mga tao na hindi ito madali para sa kanila sapagkat may mga tao silang iniingatan.

Nilinaw rin ni Cong. Toto na hindi niya naging kalaguyo si Sharifa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nais kong linawin na hindi ko naging kalaguyo si Sharifa, kailanman. At buong puso akong naniniwala na tinanggap niya ako bilang isang asawa dahil mahal niya ako at hindi dahil sa aking estado,” paglilinaw naman ni Cong. Toto.

Sa huli ay nagpasalamat ang mag-asawa sa mga taong nakakaintindi sa kanila at sa pagtanggap ng mga ito sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending