Pia, Gerald dedma lang sa pasabog na 'blind item' ni Janus; Julia apektado kaya? | Bandera

Pia, Gerald dedma lang sa pasabog na ‘blind item’ ni Janus; Julia apektado kaya?

Reggee Bonoan |August 26,2021
facebook
share this

Pia, Gerald dedma lang sa pasabog na ‘blind item’ ni Janus; Julia apektado kaya?

Reggee Bonoan - August 26, 2021 - 09:39 AM

Julia Barretto, Gerald Anderson at Pia Wurtzbach

SA pinasabog na blind item ni Janus del Prado tungkol sa mga celebrities na sina “G” at “P” ay halata naman kung sino ang kanyang tinutukoy — sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

Nananahimik na si Pia sa piling ng boyfriend niyang si Jeremy Jauncy at kasalukuyan silang nasa ibang bansa ngayon pero nadadawit pa rin ang pangalan niya and for sure nababasa niya ang latest chismis sa showbiz pero dedma lang siya.

Anyway, isa na rin si Manay Lolit Solis sa nag-react sa mga ibinuking ni Janus na umano’y nagkaroon ng “something” sina Gerald at Pia habang sinu-shoot ang pelikulang “My Pefect You” noong 2018 at si Bea Alonzo ang karelasyon noon ng aktor.

Ipinost ni Manay Lolit ang larawan ni Gerald at ng kasalukuyang karelasyon nitong si Julia Barretto sa kanyang Instagram account at sinabing exciting ang buhay ng aktor at tinawag pa niya itong “lady killer.”

Caption ng talent manager, “Kaloka naman ang mga ganap sa buhay ni Gerald Anderson. Pati si Janus del Prado kasali na sa casting, hah hah. Mula ng break up nila ni Bea Alonzo, hanggang ngayon, talagang hindi natapos ang ending ng script ng buhay niya.

“Ngayon naman, heto nga at pati si Janus kasali na sa kuwento. Tutoo pala na meron din naging chapter na Gerald at Pia Wurtzbach nang gumagawa sila ng movie. Kalokah na unti unting lumalabas mga flashback huh! Parang napaka exciting ng buhay ni Gerald Anderson dahil ang dami ng casting.

“Siguro naman secure si Julia Barretto sa lovelife nila at hindi apektado sa mga bagong issue na lumalabas. At reveal talaga iyon kay Pia dahil parang isang quickie romance on the set lang diumano ang nangyari dahil that time sila Gerald at Bea Alonzo pa rin ayon sa mga post ni Janus.

“Bongga ha, ang galing ni Gerald Anderson, lady killer talaga ang dating. Nagagawa niya lahat ng secret at lumalabas lang pag may pumiyok. Hah hah, hanga na ako talaga sa magic ng charms ni Gerald. Talagang matinik, walang paltos.”

May mga follower si Manay na nag-react tulad ni @evelynpadel, “Gwapo kasi si Gerald marami ngang ‘wa itsura na lalaki na marami ring nahuhumaling kay Gerald pa kaya.”

Tinawag namang babaero ang aktor ni @iuqaj212, “Grabe matinik lahat na, ‘wag lang madikitan ng babae hindi nakakapagpigil. Buti na lang nahiwalay na at happy na cla Kim (Chiu), Maja (Salvador) at Bea. Grabe pagiging babaero niya.”

Hala may isa ring ibinuking ang netizen na si @mackztynne, “Naalala ko tuloy ‘yung nagbalak din atang manligaw kay Pauleen Luna dati pero deny to death siya kasi sila pa ni Kim Chiu that time.”

Anyway, mukhang walang nakuhang simpatiya si Gerald sa followers ni Manay Lolit dahil nakiisa sila kay Janus na kamuntikang masira ang friendship nila ni Bea dahil sa pagtatanggol sa una na totoo naman pala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Gerald Anderson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending