Kampo ni Bistek nagreklamo na sa PNP Anti-Cyber Libel Group para hantingin ang FB hacker | Bandera

Kampo ni Bistek nagreklamo na sa PNP Anti-Cyber Libel Group para hantingin ang FB hacker

Reggee Bonoan |August 24,2021
facebook
share this

Kampo ni Bistek nagreklamo na sa PNP Anti-Cyber Libel Group para hantingin ang FB hacker

Reggee Bonoan - August 24, 2021 - 04:01 PM

Herbert Bautista

KUMILOS na ang Cornerstone Entertainment, ang nangangasiwa sa showbiz career ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa pagkaka-hack ng Facebook page nito kung saan may lumabas na larawan ng babaeng naka-two piece at naka-face mask.

Iba pa ito sa official statement na inilabas ng admin staff ni Mayor Bistek sa Facebook na nagsasabing, “We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access.

“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly.”

Marami pa ring netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento bagay na hindi maganda para sa dating ama ng Lungsod Quezon.

Kaya hiningi na ng Cornerstone Entertainment at ni Bistek ang tulong ng PNP Anti-Cyber Libel Group base sa ipinadalang official statement sa amin. May titulo itong, “Statement Against Hacking of Mr. Herbert Bautista’s Facebook Account.”

“Cornerstone Entertainment strongly and vehemently condemns sa malicious hacking of Mr. Herbert Bautista’s Facebook Account.

“Mr. Bautista and CS Entertainment are actively coordinating with the PNP Anti-Cyberlibel Group to hold accountable whoever is behind this vicious scheme and face penal sanctions accordingly.”

* * *

Tagumpay ang pagpapaikot ni Lena (Erich Gonzales) kay Adrian (JC de Vera) dahil tuluyan na itong nahumaling at napaibig sa kanya sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magugulat na lang si Lena na magpo-propose ng kasal si Adrian sa kanya pagkatapos niyang magsinungaling na buntis siya at dinadala niya ang anak nila. Mangangako naman si Adrian na papanindigan niya ang bata kahit pa tutol ang mga magulang niya rito.

Kahit naman hindi pa nila nakikilala si Lena, kontra na ang mga magulang ni Adrian na sina Vanessa at Lucas (Agot Isidro at Raymond Bagatsing) sa dalaga dahil naaapektuhan na nito ang trabaho ni Adrian sa kumpanya nila

Maging ang mga kakampi ni Lena na sina Ramona (Janice de Belen) at Jordan (Carlo Aquino) ay tutol sa planong pagpapakasal ni Lena kay Adrian dahil baka ikapahamak lang niya ito.

Kasabay ng plano ni Magda na paibigin si Adrian para mawasak ang kanilang pamilya ay ang pakikipagsabwatan niya sa ambisyosong si Miguel (Kit Thompson), ang pinsan ni Adrian na gustong maagaw ang posisyon nito sa kumpanya.

Ano ang mangyayari sa pamilya Narciso sa oras na malaman nina Adrian, Vanessa, at Lucas na nalusob na sila ng kalaban?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, sa Kapamilya Channel at iba pang platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending