Ynez ipinanganak na ang second baby; eye operation ng anak ni Nadine Samonte successful | Bandera

Ynez ipinanganak na ang second baby; eye operation ng anak ni Nadine Samonte successful

Therese Arceo |August 04,2021
facebook
share this

Ynez ipinanganak na ang second baby; eye operation ng anak ni Nadine Samonte successful

Therese Arceo - August 04, 2021 - 07:10 PM


MASAYA ang mag-asawang sina Nadine Samonte at Richard Chua dahil naging matagumpay ang operasyon sa mata ng kanilang anak na si Heather.

Ayon pa sa asawa ng dating aktres, sobrang taas anxiety level niya at tila mababaliw siya habang naghihintay na matapos ang operasyon ng anak.

“My anxiety level today went beyond maximum tolerance…all the waiting drove me insane….but thank you Lord that you stayed beside our baby Heather the whole time she was at the OR and made sure everything was ok,” pagbabahagi nito sa kanyang Instagram account.

Lubos rin ang pasasalamat ng dalawa sa Diyos dahil hindi nito pinabayaan ang panganay na anak sa kanyang operasyon.

Tila hindi pa rin tapos ang isipin para sa pamilya dahil magkakaroon pa ng angiogram si Richard.

Patuloy pa rin ang pagiging matatag ni Nadine at ng asawa para sa pamilya dahil alam nilang kasama nila ang Diyos sa kanilang hinaharap na pagsubok sa buhay.

* * *

ISINILANG na nga ng aktres na si Ynez Veneracion ang kanyang pangalawang anak na si Jianna Kyler.

Ibinahagi nito ang balita sa kanyang Instagram account kung saan nag-upload siya ng mga litrato ni baby Jianna.

“A sweet beautiful angel has finally arrived. Welcome to the world my little one.” caption nito sa kanyang post.

Maraming netizens naman ang nagulat nang ianunsyo niya ang pagdadalang tao nito sa edad na 40 nang ilabas nito ang kanyang maternity photos noong July.

Sa sumunod na post, nag-upload rin ito ng photos kasama ang panganay na anak na may caption na “Two little blessings sent from above. Twice the smile twice the love.”

Nagpasalamat naman ang aktres sa mga taong nakasama at sumuporta sa kanya habang siya ay nagdadalang tao.

“I would like to thank our dear Lord for sending me this little Angel & also the people who supported me on this journey,” saad niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lastly, to my beloved daughter Princess Keilah, thank you my love for being such a sweet, understanding and lovable ate. I’m so proud of you!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending