Pasaway na TV host-actress tinotopak sa taping, nagtataray pag wala sa mood | Bandera

Pasaway na TV host-actress tinotopak sa taping, nagtataray pag wala sa mood

Reggee Bonoan - August 04, 2021 - 06:34 PM

“NAGBAGO na ba ang ugali niya? I heard may tinarayan ulit,” ang tanong sa amin ng taong nakatrabaho ng kilalang TV host-actress na nasa ibang network na.

Ang TV host-actress daw ay laging may mood swings na kapag hindi maganda ang gising ay nagtataray o kaya ay ayaw niyang mag-shoot kaya wait to death ang buong production.

Ang bilis nga raw ng karma dahil nang minsang hindi maganda ang gising ng TV host-actress ay nakasimangot at nagsalita nang hindi maganda ay biglang pumasok ang head ng production at narinig ang lahat.

Nang ibulong daw ng personal assistant ng TV host-actress na naroon ang head ng programa ay bigla itong nagbait-baitan at lumapit sa TV executive at nagpaliwanag kung bakit mainit ang ulo niya.

Ang hindi alam ng TV host-actress ay matagal na palang nakarating sa head ang ginagawa niya sa set kaya nag-surprise visit ito, ang ending bukelya siya.

Sa kasalukuyan ay may show ang TV host-actress sa network kung saan siya konektado ngayon at so far wala kaming nabalitaan sa ngayon na me topak siya kaya nagtanong kami sa kakilala naming taga-prod.

“Tahimik lang pag wala sa mood.  Pag take na, susunod naman pero tahimik lang.  Baka naisip niya na anytime puwede siyang palitan,” say ng kausap namin.

Oo naman sa panahon ng pandemya at nagmamaganda siya baka bukas makalawa ay wala na siyang work.

* * *

Masusubaybayan na ang simula at pagpapatuloy ng love story nina Dominic at Luke (Adrian Lindayag at Keann Johnson) sa pelikulang “The Boy Foretold by the Stars” at ang kasunod nitong seryeng “Love Beneath the Stars” dahil magiging available na ang mga ito nang libre sa iWantTFC ngayong Agosto.

Sa Pinoy boys’ love film na “The Boy Foretold by the Stars,” unti-unting mahuhulog ang loob nina Dominic at Luke sa isa’t isa matapos nilang magkakilala sa isang school retreat. Mapapanood ngayong Agosto 7 ang naturang pelikula, na unang ipinalabas sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Madudugtungan ang kwento nila sa “Love Beneath the Stars,” isang iWantTFC original series na may bagong episodes kada Lunes simula Agosto 16. Dito, mas masusubok ang pagmamahalan nilang dalawa dahil sa pangongontra ng mga tao sa paligid nila.

Mayroon ding iba’t ibang libreng serye at pelikula na maaaring pagpilian tulad ng digital anthology series na “Click, Like, Share” nina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes. Tungkol ito sa wastong paggamit ng social media na mapapanood kada Biyernes ng 8:30 PM simula Agosto 6, dalawang araw bago ipalabas sa TV.

Nakakapangilabot na kababalaghan naman ang hatid nina Dennis Trillo, Beauty Gonzales, Raymond Bagatsing, at Alyssa Muhlach sa pelikulang “Hellcome Home” tungkol sa masasamang espiritu. Sa “Haunted Forest,” malalagay sa panganib ang buhay ng magkaibigang sina Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake, at Jon Lucas matapos sundan ng mga misteryosong elemento.

Mapapanood din ang pinakabagong lifestyle show na “It’s A Small World” ng socialite na si Small Laude. Dito, ipapasilip niya ang kanyang marangyang pamumuhay at makikipagchikahan sa iba’t ibang sikat na personalidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sanib-pwersa naman ang naglalakihang K-pop artists tulad ng NCT Dream, BTOB, Brave Girls, at Oh My Girl para sa malaking selebrasyon sa “Together Again: A K-pop Concert.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending