Jake mas naging fresh at yummy mula nang maging dyowa si Kylie
Jake Cuenca at Kylie Verzosa
MUKHANG hiyang na hiyang nga sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa isa’t isa dahil parehong maganda ang aura nila at parehong maganda ang takbo ng kanilang showbiz career.
Bumata si Jake sa edad niyang 34 (sa Disyembre 30) at ang linis-linis niyang tingnan ngayon kumpara noong hindi si Kylie ang karelasyon niya na mukhang haggard at laging nasa gimikan. Well, iba naman kasi ang panahon na ngayon dahil may pandemdya.
Sagot ng taong malapit sa aktor, “Ha-hahaha! Nagko-compliment sila sa isa’t isa. C Kylie din gumanda.”
Oo, naman! Pati nga si Kylie ay gumanda at mukhang laging fresh.
Anyway, going two years na ang relasyon nina Jake at Kylie na inamin nila noong Setyembre, 2019 sa programang “Tonight with Boy Abunda” at base sa obserbasyon ng mga taong malapit sa kanila ay silang dalawa na ang magkakatuluyan.
Noong bata-bata pa kasi si Jake ay hanggang tatlong taon lang siya tumatagal sa mga nakarelasyon niya o hindi pa umaabot. Kaya ibig sabihin ay hindi pa siya seryoso at hindi pa niya nahahanap ang kanyang “the one.”
Pero sa kaso nila ni Kylie na wala pang tatlong taon ay marami na silang napagdaanan para higit na makilala ang isa’t isa lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay mukhang ang dating beauty queen na ang magiging wifey ni Jake.
Parehong boto sa isa’t isa ang kanilang mga magulang kasama na ang kani-kanilang mga kaibigan na isa rin sa dahilan kung bakit masaya ang awra ng dalawa.
Sabi pa ng taong malapit sa binata, “Parang siya na (Kylie).”
Tinanong namin kung may plano ng i-level up nina Jake at Kylie ang kanilang pagsasama, “Parang wala pa silang plan. Enjoying each other’s company pa.”
Sabagay, baka kasi career muna ang prayoridad nilang dalawa lalo’t may mga offers sa panahon ng pandemya ay hindi lahat nabibigyan ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.