Juancho nagtrabaho sa BPO noong kasagsagan ng pandemya; gagawin lahat para sa pamilya
juancho Trivino, Joyce Pring at Baby Eliam
IBINANDERA ng Kapuso actor at TV host na si Juancho Trivino na nagtrabaho siya sa isang BPO (business process outsourcing) noong nakaraang taon.
Ayon sa celebrity dad, talagang naghanap siya ng ibang pagkakakitaan nu’ng kasagsagan ng pandemya last year para magkaroon ng regular ng kita.
Ibinalita ito ni Juancho sa pamamagitan ng Instagram kalakip ang kanyang elevator mirror selfie at iba pang litrato na kuha noong nagtatrabaho pa siya sa isang BPO company.
Aniya sa caption, “A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company.
“I actually did send out my resume to a couple of companies that was hiring during that time.
“It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did,” pahayag ng aktor.
Bukod daw sa napakalaking tulong sa kanila ng asawang TV host din na si Joyce Pring ang sinasahod niya ay napakarami rin niyang natutunan sa naging experience niya bilang project manager kahit na ilang buwan lamang siya tumagal sa nasabing kumpanya.
Aniya pa, “They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nagtagal (but that’s another story).”
Nag-reply naman sa comments section ang misis ni Juancho na si Joyce at proud na proud na ipinagmalaki sa buong universe ang pagiging mabuti, masipag at responsableng asawa at tatay ni Juancho.
Pahayag ni Joyce, “You work hard for our family, my love. So proud of you always (blowing kiss emoji).”
Sagot naman ni Juancho kay misis, “Thank you my number one fan.”
Nauna rito, ibinalita rin ng mag-asawa sa kanilang followers na nag-franchise sila ng isang food stall kasosyo ang kapatid ni Juancho.
Noong January, 2021 nag-graduate si Juancho sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University. Inamin niya na umabot ng 12 years bago niya nakuha ang kanyang college diploma.
Ikinasal sina Juancho at Joyce nitong February, 2020 at biniyayaan nga ng isang baby kamakailan lamang na pinangalanan nilang Alonso Eliam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.