Kris waiting pa rin sa go signal ni P-Noy: Maraming nilalaman ang puso ko na gusto kong ibahagi sa inyong lahat, pero…
ISANG araw bago ang ika-40 araw (40 Days} ng pagkamatay ng dating Pangulong Noynoy Aquino, nagbigay ng mensahe si Kris Aquino para sa kanyang tagasuporta at sa mga nagmamahal sa kanilang pamilya.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng TV host-actress ang nilalaman ngayon ng kanyang puso kasabay ng muling pagpapasalamat sa lahat ng mga Filipino na walang sawang sumusuporta sa pamilya Aquino mula noon hanggang ngayon.
Nag-post si Kris sa IG ng maikling video na kuha sa burol ng kanyang kuya na si P-Noy na may caption na, “PNoy’s 40th…
“Mom i am sure won’t mind that we are posting this at 2 AM (the hour she died), on the day of her 12th death anniversary, because on August 2, it will be the 40th day since Noy’s death.
“Maraming nilalaman ang puso ko na gusto kong ibahagi sa inyong lahat…
“Sure ako marami ang nagtatataka bakit wala kayong nakitang post, napanuod na interview, o nakitang moment na ako ang nagsalita on behalf of our family.
“But, now is still not the right time for me… naghihintay pa ko ng ‘go signal’ from him- i know my brother will find a way to let ‘bunso’ know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one i believe is a continuing one,” ani Kris.
Pagpapatuloy pa niya, “Sa inyo pong lahat, maraming salamat dahil pinaramdam nyo sa aming apat, kay Ate, Pinky, Viel, at sa ‘kin na hindi kami nag-iisa sa aming paniniwala that we were truly blessed to have Noy as our brother- na habang buhay naming IPAGMAMALAKI, PASASALAMATAN, HAHANAP HANAPIN, at MAMAHALIN.
“Though still so painful, we know how blessed we were to have been born as the children of Ninoy and Cory, and the sisters of Noynoy Aquino,” pahayag pa ng nanay nina Joshua at Bimby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.