Ivana sa mga tumatawag sa kanya ng boldstar: Nagpapakita lang ako ng puwet, naka-panty at bra ako! | Bandera

Ivana sa mga tumatawag sa kanya ng boldstar: Nagpapakita lang ako ng puwet, naka-panty at bra ako!

Ervin Santiago - August 01, 2021 - 08:58 AM

ISA-ISANG binuweltahan ng sexy vlogger na si Ivana Alawi ang mga panglalait at pang-ookray sa kanya ng ilang bashers sa social media.

Tinawag siyang retokada, chaka, pangit kapag walang make-up, bold star at kung anu-ano pang malilisyosong salita ng mga netizens na walang ginawa kundi mag-post ng hate comments laban sa dalaga.

Ang ilan sa mga hate message na natanggap niya ay ipinost pa sa Instagram feed ng younger sister niyang si Mona Louise Rey.

“Puro retoke ate mo. Pangit niya. Dati nakita ko sya sa ABS, pango, flat, sira ngipin. Basta pangit. Puro pagawa naman siya ngayon,” ang  panglalait sa kanya ng isang netizen.

Ang isa sa hindi matanggap ng aktres at vlogger ay ang pagtawag sa kanya na “puro retoke” lalo na raw ang kine-claim ng iba na nagparetoke raw siya ng ilong.

“Pango pa rin ako. Hindi ako natatangusan talaga sa ilong ko, ha,” ang sey ni Ivana sa kanyang YouTube vlog kung saan nakasama rin niya si Mona.

Sinabihan pa niya ang kanyang sisteraka na pisilin at pindutin ang kanyang ilong para patunayang hindi ito retokado.

At kung hindi pa raw kumbinsido ang basher, siya na mismo dumalirot sa kanyang ilong, “Eto na ba? Masaya ka na? Hindi naman ako magpaparetoke, masaya na ako sa ilong ko.”

Sa mga nagsasabi naman na sira-sira noon ang kanyang mga ngipin, “Sira ipin ko? Nagtu-toothbrush ako twice a day tsaka nagpapadentista.” Ipinakita pa ni Ivana ang kanyang mga ngipin sabay sabing, “Mainggit ka.”

May hirit din siya sa mga nagsasabing isa lang daw siyang “bold star” dahil sa madalas niyang pagpo-post ng mga bikini photos sa social media.

Madalas daw na comment ng mga haters sa kanya, “Maghubad ka na lang. Nagdamit ka pa. Bold star.”
Diretsong sagot ni Ivana, “Nagpapakita lang ako ng puwet tsaka ng bra. Naka-panty at bra ako. Hindi ako naghuhubad ng panty at bra.

“Masaya lang ako magbikini. Iba yung naghubad ka talaga, or nag-bold ka, or nagpakita ng tsuk. Yun ang bold star sa akin.

“Kung ang pagsu-swimsuit ko ay bold star, e, di bold star sa iyo,” diin pa niya.
Isa pang laiterang basher ang nagkomento na chaka raw si Ivana kapag walang makeup nito.

Resbak ng aktres, “Tingin mo pangit ako pag walang makeup? Lagi naman ako nagba-vlog na walang makeup because I love myself.

“Kung ito pangit sa ‘yo, okay. Wala akong paki talaga. Hindi ko sinabi na maganda ako. Clinaim ko ba na maganda ako?” dagdag pa ni Ivana.

Sey pa ng sikat na vlogger, sinasagot lamang niya ang mga hate comments sa kanya pero hindi naman daw siya masyadong naaapektuhan o nasasaktan dahil sanay na sanay na siya sa pangnenega ng ilang netizens.

“Feeling ko mga bitter sila sa buhay. Siguro pag na-comment nila yun, gumaganda pakiramdam nila. So, do what you do,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sana huwag na lang maging nega. Let’s uplift each other. Wala kami hatred sa katawan,” pahayag ni Ivana na itinuturing ngayong isa sa mga tunay na reyna ng YouTube sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending