Angel 'inaasar' ang kapatid na si Ela sa pagti-TikTok: 'Nakakatawa siya, pampaalis stress!' | Bandera

Angel ‘inaasar’ ang kapatid na si Ela sa pagti-TikTok: ‘Nakakatawa siya, pampaalis stress!’

Reggee Bonoan |July 31,2021
facebook
share this

Angel ‘inaasar’ ang kapatid na si Ela sa pagti-TikTok: ‘Nakakatawa siya, pampaalis stress!’

Reggee Bonoan - July 31, 2021 - 05:16 PM

IBUBUKING na namin ang aming sarili, kapag nai-stress kasi kami ay pinapanood namin ang series of TikTok ng kapatid ni Angel Locsin na si Angela “Ela” Colmenares na ipino-post din niya sa Facebook.

Matagal na naming pina-follow ang kapatid ng aktres sa social media dahil sa madalas siyang maglabas ng opinyon niya sa maraming bagay-bagay. Pero nitong mga huling buwan ay nabago na, puro Tiktok na talagang humahalakhak kami sa katatawa.

Yes, komedyana ang ate ni Angel dahil hindi siya nahihiya kahit na anong kalalabasan ng itsura niya sa kaka-TikTok niya at sa totoo lang, sinasabayan din namin siyang sumayaw dahil ang galing niya at ang gaan ng katawan kahit na chubbylita siya.

Hindi namin napigilang tanungin siya kung pinlano rin niyang mag-artista noon.

Sabi namin, “Ela, tawang-tawa ako sa mga TikTok mo. Noon ba pinangarap mong mag artista?”

“Hindi po. Ha-haha! Bored lang po ako minsan,” sagot ng ate ni Angel.

Sundot namin, “Cute nga eh. malakas TikTok mo? Wala kasi akong account. Ela, puwede ko isulat pagti-TikTok mo? Naaliw kasi ako, pampawala ng stress. Ha-hahaha!”

“Hala, ate! Haha! Kakahiya,” mabilis nitong sabi.

Pinakaaliw kami ay ‘yung kay Willie Revillame na tinatanong niya ang contestant niya sa Wowowin; ‘yung kay FPJ na magbabanyo lang si Ela pero pinagbabaril na siya dahil nagkamali siya; mga famous TikTokerist na binibigyan niya ng bagong kuwento; pati ‘yung kay Kris Aquino na on-going ang presscon tapos biglang lumindol ay ginaya rin niya.

Sabi nga namin na naroon kami mismo sa presscon nang lumindol at nataranta si Kris pero nag-dialogue pa rin ng, “I tell you guys, end of the world na, buti na lang nabili ko na lahat ang Chanel (sa Beverly Hills) na gusto ko. Sumakit ang ulo ko, na-vertigo ako, ikaw rin? Uwi na tayo, my house nasa fault line.”

At hindi rin nakaligtas ang Daddy Angel Colmenares ng magkapatid na habang natutulog sa sofa ay nagboses bata si Ela at sinabihan ng, “Sarap buhay..tulog-tulog lang.”

Konti pa lang daw ang followers ni Ela sa TikTok dahil kakasimula palang niya at hoping na dumami pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano naman ang reaksyon ni Angel sa mga pinaggagawa ng ate niya? “Nang-aasar lang, hehe (smiley emoji),” sagot ni Ela.

Gusto lang naming i-share na may talent ang ate ni Angel Locsin na nakakahinayang din kung bakit hindi siya nag-artista dahil okay siya sa comedy at drama at higit sa lahat, magaling sumayaw at kumanta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending