Lolit Solis hindi na magpapagamot kapag nagkasakit nang malubha: Sayang ang P1.4-M! | Bandera

Lolit Solis hindi na magpapagamot kapag nagkasakit nang malubha: Sayang ang P1.4-M!

Reggee Bonoan - July 28, 2021 - 09:02 AM

“KAPAG nagkasakit ako at question mark naman kung makaka-survive ako, talagang hindi na ako magpapagamot kasi ‘yung pera ko, mas mabuti kung mapapakinabangan na lang ng mga buhay.” 

Ito ang pahayag ni Manay Lolit Solis sa panayam niya sa Ogie Diaz vlog na in-upload sa YouTube channel kamakailan.

Napagkuwentuhan kasi nina Ogie at Manay Lolit na mahal ang magkasakit lalo na kung COVID-19 dahil base sa nalaman niya na kapag may sipon o ubo pagpasok ng hospital ay suspect na kaagad sa COVID.

“So, kailangan talaga i-test ka at kapag naging COVID patient ang ibabayad sa kuwarto ay 80 thousand a day kasi babayaran mo ‘yung PPE (personal protective equipment) lahat ng papasok sa ‘yo (kuwarto) na puwede pang more kasi baka may mga additional pa.

“And mag-stay ka ro’n hanggang gumaling ka and possible pinakamatagal na, 14 days. So 14 days times 80 (thousand) o sabihin na nating 100 thousand a day is equal to P1.4 million kaagad ang kailangan mong ibayad.

“Kaya eto, knock on wood halimbawa magkakasakit ako at question mark naman kung masu-survive ko o hindi, talaga Ogie hindi na ako magpapagamot!” diretsong sabi ng kilalang talent manager.

“Bakit?” tanong ni Ogie sa talent manager at host.

“Kasi ‘yung pera ko, mas mabuti na mapakinabangan na lang ng mga buhay! Kasi pag 74 years old ka na, naisip ko na nagawa ko naman na lahat. Handa na ako (mawala sa mundo) at least may asawa na ‘yung dalawa kong anak, ‘yung apo ko malaki na naman kesa naman matapon lang sa gamot ko ‘yung o hospitalization ko ‘yung pera na ‘yun?” paliwanag ni Manay.

Dagdag pa niya, “Sayang ‘yung P1.4 million, e, iwanan ko na lang sa kanila. Naisip ko kawawa ka talaga kapag mahirap ka, sinong makakabayad ng P1.4 million?”

Samantala, inalala nina Ogie at Manay Lolit ang ginawa niyang scam noon na labis naman niyang pinagsisihan at nagawa lamang daw niya iyon dahil sa pagmamahal sa alagang si Gabby Concepcion.

“That time medyo nag-i-slide down siya, eh (Gabby) kasi nag-asawa siya ng bago, si Jenny Syquia.  So akala ko talaga ang magiging winner si Richard Gomez, kasi siya ang karibal ni Gabby.

“Hindi ko alam na si Edu Manzano ang mananalo dapat. So sabi ko hindi puwedeng manalo si Richard, lalong babagsak si Gabby kaya naisip kong siya (Gabby) ang maging best actor, so ‘yun!” kuwento ni Manay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kaya naman daw si Ruffa Gutierrez ang nanalong best actress imbes na si Aiko Melendez, “Sila kasi (Gretchen Barretto, Miss Mauritius Viveka Babajee at Rocky Gutierrez) ang magbabasa (ng winner) kaya ‘yun,” natatawa niyang sabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending