Anak ni Candy na si Quentin sumabak na sa training bilang altar server | Bandera

Anak ni Candy na si Quentin sumabak na sa training bilang altar server

Therese Arceo - July 27, 2021 - 06:59 PM


MANGIYAK-NGIYAK ang aktres na si Candy Pangilinan nang ipaabot ang pasasalamat sa mga taong tumulong kay Quentin para matupad ang pangarap nitong maging altar server.

Nagsimula na kasi ang training nito sa simbahan para maging altar server.

“Maraming salamat sa Dios talaga, naiiyak ako,” saad ni Candy.

“Nagpapasalamat ako kay Kuya Ruby, na nagte-train sa kanya ngayon. Kay Father Arnel, ‘yung parish priest po namin na pumayag po na i-train si Quentin ngayon pong kanyang mass.

“Alam kong napakasaya ni Quentin ngayon. Kahit hindi pa po siya official na altar server nakikita ko po siya sobrang saya po niya.

“Do not give up on your child. Look for a community that your child will be trained, accepted with respect and dignity. May pag-asa po. Don’t lose hope.” payo pa ng aktres.

Sa separate vlog naman ng aktres, makikita si Quentin na masayang nakikipagkulitan sa mga kasama niya sa simbahan bago ang kanyang practical exam.

Kitang-kita sa mukha ni Quentin ang saya at excitement habang tinuturuan siya ng kanyang Kuya Henry.

Halata naman na gustong-gusto ni Quentin ang training dahil attentive ito at nasasagot nang tama ang mga tanong sa kanya bagama’t nalilito paminsan-minsan.

Maraming netizens ang masaya para sa bagong accomplishment ni Quentin.

May mga nagpaabot ng pasasalamat sa parish priest at sa bumubuo ng simbahan kung saan nagte-training si Quentin. Dagdag pa nila, isa itong magandang hakbang lalo na sa mga batang katulad ni Quentin.

Marami rin ang nakapansin sa talinong taglay ni Quentin dahil madali niyang nakukuha ang mga itinuturo sa kanya.

Giit pa nga ng iba, siguro daw ay dahil gustong-gusto ni Quentin ang kanyang ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga humiling rin na sana ay magkaroon rin ng content si Candy kung saan pinapakita at ineexplain ang proseso ng misa para rin daw matutunan ito ng iba lalo na at pandemic at bawal uli lumabas ang mga bata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending