‘Weightlifting fairy’ Hidilyn Diaz may P33-M na may condo unit at lifetime flights pa
DESERVED na deserved naman talaga ni Hidilyn ang mga blessings na natatanggap niya magmula nang masungkit nito ang unang gold medal para sa Pilipinas.
Bukod kasi sa matatanggap nitong P33 million cash, marami pang mga private companies ang nagpapaabot ng papremyo sa Filipina athlete.
Isa na nga sa mga ito ang Megaworld at Air Asia. Isang residential condominium unit worth P14 million nga ang regalo ng Megaworld na pagmamay-ari ni Dr. Andrew Tan para sa ating weightlifting champion at world-record breaker.
“This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud.
“We believe that it’s just right to give our first-ever Olympic gold medalist a home in our first-ever township, Eastwood City, where she can enjoy the township lifestyle with her family and loved ones,” pagbabahagi ni Kevin Tan, Chief Strategy Officer ng Megaworld Corporation.
Lifetime flights naman ang handog ng AirAsia Philippines para kay Hidilyn.
“We want all Asean to believe that they can always make it happen. Amidst challenges and struggles as we go forth with recovery, Hidilyn reminds us that no matter how heavy the weight we are carrying, inner strength, perseverance, and a heart of gold will help us power through,” saad ni Tony Fernandez, AirAsia Group CEO.
Marapat lang ang na matanggap ni Hidilyn ang mga ganitong blessings dahil hindi biro ang kanyang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay.
Matatandaan na noong taong 2019, halos magmakaawa si Hidalyn ng financial support mula sa mga pribadong kumpanya para sa kanyang pagsali sa Tokyo 2020 Olympics.
Umani pa nga siya ng sandamakmak na pamba-bash at naidawit pa sa diumano’y “Oust Duterte Matrix” na nagdulot ng pangamba sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
Ngunit nagpatuloy lamang siya sa pagpupursigi para sa pangarap na siyang naging resulta ng mga bagay na nakakamit niya ngayon.
Bukod pa rito, hindi matatawaran ng kahit na anong pera at materyal na bagay ang naibigay na karangalan ni Hidalyn para sa bansa. Isa ito sa mga pangyayari na mas magpapatingkad sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.