Nanay ni Hidilyn walang ginawa kundi magdasal habang lumalaban ang anak: Sobra-sobrang kaba! | Bandera

Nanay ni Hidilyn walang ginawa kundi magdasal habang lumalaban ang anak: Sobra-sobrang kaba!

Ervin Santiago - July 27, 2021 - 02:02 PM

NANINIWALA ang nanay ng Filipina weightlifting champion sa Tokyo 2020 Olympic Games na si Hidilyn Diaz na pinaka-powerful pa rin ang naging panalangin nila para sa laban ng kanyang anak.

Ayon kay Mrs. Emelita Diaz, bukod sa tapang, disiplina, tiwala sa sarili at paninindigan ng kanyang anak, ang pananalig nila sa Diyos ang nagbigay ng tagumpay kay Hidilyn para masungkit ang inaasam na gintong medalya ng Pilipinas.

Kuwento ng ina ng Olympic gold medalist, noong lumaban ang anak sa Rio Olympics limang taon na ang nakararaan, talagang lumuhod siya sa harap ng altar at walang ginawa kundi ang magdasal hawak ang rosaryo.

Ang ending, naiuwi ni Hidilyn ang silver medal para sa Pilipinas makalipas nga ang 20 taon ng pagiging “nganga” ng bansa sa Olympic Games. 

At tulad ng palagi niyang ginagawa kapag may laban ang anak, muli siyang nagrosaryo at nagdasal nang taimtim. At dininig nga muli ng langit ang kanyang panalangin with matching bonus pa dahil napanalunan pa ni Hidilyn ang kauna-unahang gold medal ng bansa.

“Sobra-sobrang kaba. Sobra ring masaya na hindi ko maintindihan yung nararamdaman,” ang pahayag ni Gng. Emelita sa panayam ng ABS-CBN tungkol sa feeling niya bilang ina ng Pinay champ.

Aniya, sulit na sulit ang lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa nito sa loob ng mahigit isang taon, pati na ang hindi nila pagkikita ng mahabang panahon dahil nga last year pa nagte-training ang anak sa Malaysia.

“Sobrang hirap din. More than one year na ang COVID-19 at hindi pa kami nagkita. Sa video call lang,” aniya pa.

Mensahe niya kay Hidilyn, “Masayang-masaya kaming lahat kasi first time sa Zamboanga at Pilipinas na may makuha ng gold sa Olympics.

“Congratulations, Hids. Masayang-masaya kami kasi nakatikim ka ng gold medal para sa bansa natin,” dagdag pang pahayag ng very proud nanay ni Hidilyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending